“Go home, Unckye! You too woud! Aunwty Pwetty si sweeping wight now!” Tandang-tanda ni Lorenzo ang sinabi sa kanya ni Alerina kagabi matapos siyang nakipagsigawan kay Erin at Alejandro na pabayaan muna si Heronisa dahil parang pagod na pagod ito ngunit dahil sa katigasan niya ng ulo pagdating sa dalaga ayon at nakalaban niya ang tatlo pero kay Alerina lang talaga siya natameme. “Ahhhh!” He’s drinking while torturing his prisoners here in his basement. Matapos hindi makatulog ni Lorenzo at nagpabaling-baling lamang sa kama heto at dito niya nalang ibinuhos ang inis sa sarili. Ilang lata na rin ng beer ang nilaklak niya pero hindi pa din siya tinatamaan bagkus mas lalo lang siyang naapektuhan sa ginawa kagabi. Isa-isang nag-iiwasan ang mga tauhan ni Lorenzo sa ginagawa niya dahil hab