Inilibot ni Heronisa ang mga mata sa silid kung nasaan siya. Ito ang pinakamalaki at pinakamagandang silid na nakita niya sa buong buhay niya ni minsan ay hindi pa siya nakakakita nito ngayon palang. Nag-uusap sila ng binata kanina sa sinabi niya at hindi man siya sigurado sa ginagawa ay sumugal pa din siya. Ipinakilala din ni Lorenzo ang sarili nito kanina at ilang ulit niyang minimemorya ang pangalan ng binata. Lorenzo, his name is Lorenzo and she could even write it on a paper so, Heronisa could spell and pronounce it properly. Lorenzo Giovanni Dizionario. Ito ang pangalan ng binata na hanggang sa mga oras na ito tanging ang pangalang Lorenzo lamang ang natatandaan ng dalaga. Her disability says it all. She can’t process it all at once. Heronisa needs guidance. Ang katulad niyang