Ashlin Gail Grant Halos masobsob ako sa hagdan nang kaladkarin ako ni Sierra paakyat sa silid nito. Dali-dali nitong ini-lock ang pinto nang makapasok kami. "Buti na lang nandito ka," humahangos nitong turan, "wala sana akong palusot, akala ko kasi nakaalis na si Mommy," dugtong nito. "Ibig sabihin wala ka sa bahay nila Miaka?" tanong ko dito, nagpalingo-lingo ito. "Ba't ka nga pala naparito?" tanong nito. "Nabalitaan ko kasi ang tungkol sa nangyari sa kompanya," naupo ako sa kama nito habang siya naman ay nagbibihis, "wala kasing nasasabi si Zach tungkol dito," dagdag ko. "Isang linggo na lang kasi and for some reason lahat ng models ay nag pull out," napakunot noo ako sa sinabi nito, "idagdag mo pa ang issue na kinakaharap ng kompanya ngayon," naupo ito sa harap ng salamin upang ma