Rufina Schaefler Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Hindi ko man gaanong nabasa ang nakasulat sa screen ay in-accept ko na ang request. Halos maitapon ko ang cellphone nang lumantad ang mukha ni Levi. "Good morning, Ma'am," abot tenga ang ngiti nito habang bumabati. I automatically tilted my phone nang mapuna ko kung saan ito nakatingin. Nakapantulog pa ako at bahagyang nakalantad din an dibdib ko. "How's sleep?" tanong nito. "Ba't ka napatawag?" tanong ko saka nagpatay ng camera at ipinatong ko ang cellphone sa dresser. Naupo ako sa harap ng vanity dresser upang mag-ayos. Di ko maiwasang hindi tapunan ng tingin ang nakangusong si Levi nang patayin ko ang Camera. "Grace me with that pretty face of yours, please," sabi nito. "Magtigil-tigil ka, Levi. Huwag mong sirain ang araw ko."