Ashlin Gail Grant
Isang malakas na katok ang gumising sa akin, langong-lango pa ako sa antok nang makitang wala pang ala-sais ng umaga. Nanlalabo man ang paningin dulot ng biglaang paggising ay hinila ko ang kumot at ibinalot sa sarili, saka tinungo ang pinto.
Bumungad sa akin ang bagong ligong si Zach. Di na ba siya natulog matapos ang nangyari?
"Ah, Zach—" sambit ko nang makitang nagsalubong na ang kilay nito. Mainipin si Zach, kung kaya't ayaw niya ang pinaghihintay siya.
"Sorry, magbibihis lang ako," paghingi ko ng paumanhin saka muling isinara ang pinto upang magbihis, gusto ko pa talagang matulog— di bale matutulog na lang ako mamaya kapag wala na siya. Napatingin ako sa kama-- Ahrg! My bed needs a hug, so I spread my arms and let myself fall into it.
"Gail!" agad akong napatayo nang marinig ang sigaw niyang 'yon. Ano ba, magpatulog ka naman—kahit 1minute lang! Di naman sa di ako sanay gumising ng maaga, pero kasi naman—wala akong maayos na tulog!
Pagbaba ko'y, naabutan ko na 'tong nagkakape. "Mag-agahan ka na lang Zach, sasakit ang t'yan mo sa kape lang," I said as I started the fire. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya—gaya ng inaasahan.
Inilapag ko sa mesa ang agahan at umupo sa harap niya, di na ako naghintay na alukin niya dahil kapag ginawa ko 'yon—mamamatay lang ako sa gutom.
"My friends will visit, I need you to prepare and cook for them," Tumango lang ako, biruin mo may kaibigan siya, napapaisip tuloy ako kung anong klaseng mga kaibigan meron siya.
"Sige Zach, ilan ba ang darating?" nakangiti kong tanong sa kanya. I know it’s weird pero mas pinili kong kalaimutan ang nagyari. After all, Zach has the right to be mad at me.
"Five," maikling tugon nito.
***
I'm on my way home galing market, namili ako ng mga ihahanda para sa mga bisita ni Zach mamaya. Di na ako nagpaalam sa kanya na lalabas ako, wala din naman 'yong pakialam, kaya imbes na matulog ay pamamalengke ang inatupag ko.
Pagdating ko, inihanda ko na ang lahat-lahat, sabi ni Zach mga 6:30 siya darating kasama ang mga kaibigan niya. Natapos ako sa pagluluto 5:20 kaya may panahon pa akong ayusin ang sarili, masyado ng malagkit ang katawan ko sa pawis at dumikit na rin ang amoy ng usok at ulam sa damit ko.
***
Maya-maya lang ay isa-isa ng nagsidatingan ang mga kaibigan niya. Pinagbuksan ko sila ng pinto, masaya akong nakarating na sila. Dahil kapag nakapagsimula na sila ay mag-aantay na lang akong matapos sila pagkatapos nun, makakatulog na ako.
“Kamusta ka, Zach?” binungad ko ng mainit na ngiti si Zach. Bahagaya aitong natigilan saka malamlam ang mga matang napatingin sa akin. We stared at each other for a couple of second when he break it.
“Get out of my sight,” sinungaling ako kung sasabihin kong di ako nasaktan sa naging sagot nito. Umatras ako upang bigyan siya ng daan.
"Wow Zach! You haven't told me na may chicks ka pala dito," sabi nung isa sa mga kasama niya habang titig na titig sa akin, sa isang tingin lang ay mahahalata na ang pagiging Casanova nito.
"Why would he? Have you asked him?" nakangiting turan ng isa saka tinapik ang balikat ng nauna. Dire-diretso ito papasok at pabagsak na naupo sa sofa. Halatang komportable na ito masyado sa lugar.
"Oh common, Levi! Zach knows how much I treasure women—" The man sitting on the sofa cut him off habang iwinawasiwas ang kamay sa ere.
"Yeah, Zach knows you so well—you're an asshole who treasures what's in between the thighs," nakangising sagot nung Levi saka binato ng lighter ang nauna na agad naman nitong sianlo.
"Watch your mouth guys, we've got a lady here," kalmadong turan ng isang kakapasok pa lang. “Hi, sweetheart.” baling niya sa akin saka ngumiti ng matamis sabay kindadt sa akin.
"Tyler babyyy!" Levi exclaimed saka patakbong lumapit sa kanya at inakbayan siya. Siniko siya ni Tyler dahilan upang mas ipulupot niya pa ng maigi ang mga braso sa leeg ng huli.
"Shut up, Levi," untag ni Tyler saka hinila ang manggas ng leather jacket nito at itinulak pabalik sa sofa. Tumayo ito at naglakad papunta sa kinaroroonan ko
"Hi pretty, I'm Gavin," lumapit sa akin 'yong mukhang casanova at nagpakilala, bago pa man nito mahawakan ang kamay ko ay hinila na siya ng isa pang kararating lang. Napatapik na lamang si Gavin sa braso ng lalaking nakapulupot sa leeg niya.
"Hey, asshole—your brain is supposed to be here," pointing on Gavin's head, "not here," pointing on Gavin's lower abdomen, "Hindi mo ba naisip baka girlfriend yan ni Zach—" natahimik ang lahat nang marinig ang sinabi nito.
"By the way, I'm Ethan," malamig nitong turan. Napangiwi ang tatlo saka binato siya ng unan. Napatingin ako sa kanya habang nakaakbay siya kay Gavin. Nakabukas ang tatlong butones ng polo nito habang may sugat siya sa bandang kilay, napatingin ako sa kamao nitong may gasgas at sa medyo magulo nitong buhok, may sugat rin siya sa labi—leader ba 'to ng gang?
“May--may sugat ka,” Halos pabulong kong turan. “Kukuha lang ako ng panglinis sa sugat mo,” dagdag ko pa. Natahimik silang lahat kaya napatigil ako habang tulalang nakatingin si Ethan sa akin. “What?” I shrugged my shoulder. Kasabay nun ay ang paglipad ng isang unan at tumama sa likuran ni Ethan. Napatingin kaming lahat kay Zach na nakabihis na. Dumaan lang ito sa sala at tumuloy na sa kusina.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ethan saka pabirong ginulo ang buhok ko as if he I was a child given a headpats for being good. “I kinda like it this way, Cutie. Thanks for the offer tho.”
"Napaaway ka nanaman ba?" tanong ni Tyler kay Ethan.
"Tinatanong pa ba?" sabat naman ni Levi.
"Girlfriend ka ba ni Zach?" tanong ulit ni Ethan, napaisip pa ako kung ano ba ang dapat kong isagot. Pero sa isiping mga kaibigan 'to ni Zach at tinatanong nila kung kaano-ano ako ni Zach ay isa lang ang ibig sabihin—wala silang alam. Kaya dapat magsinungaling ako at itanggi, napatingin ako sa apat na titig na titig sa akin na tila ba nag-aabang sa kung anong sasabihin ko. Sasagot na sana ako nang marinig ang sigaw mula sa kusina.
"Gail!" narinig ko ang sigaw na 'yon ni Zach kaya dali-dali kong tinungo ang kusina at iniwan sila.
"Stop flirting!" napakunot-noo ako sa bulyaw nito saka sekretong napasulyap sa likuran checking if may nakarinig ba sa sinabi niya.
"Nagpapakilala lang naman sila, Zach," maikli kong paliwanag. Bakas ang galit sa mga mata ni Zach halatang may sasabihin pa ito kaso natigil lamang nang lumapit ang mga kaibigan niya.
"Wow, handa mo ba 'to Gail?" nakiki-Gail na rin sila sa akin.
"Let's eat." Biglang anyaya ni Zach sa mga kaibigan niya saka naupo na.
"Gail," pagtawag sa akin ni Gavin, “come and join us," dugtong nito.
Tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon ni Zach pero parang wala lang naman sa kanya kaya naupo na ako, may isa pang bakanteng upuan sa tabi ko, ibig sabihin may kulang pa, ang sabi ni Zach lima raw ang darating pero apat lang ang narito ngayon.
"On the way na raw si Calvin, pare," Tyler announced after checking his phone.
"Bakit daw siya late, akala ko ba magkasunod lang kayo ng sasakyan kanina?" tanong ni Gavin matapos nguyain ang sinubo nitong karne, nagkibit balikat lamang si Tyler. Nakita kong napangisi si Ethan.
"What's with that smirk, Ethan?" tanong ni Gavin dito.
"I really love that man, so f*cking arrogant. Leaving without informing us, huh?" malamig nitong turan. Tahimik lang si Zach.
"You should get used to it, Calvin is a taciturn," ani Tyler. “Bawasan mo naman yang kagaspangan mo.” dagdag pa nito.
"—just like, Zach," sabat naman ni Levi kaya napatingin ang lahat sa kanya, nakita ko kung papaano nagdilim ang mukha ni Zach. Hindi ata sila kasundo nung Calvin.
"Ah, kain pa kayo," pilit kong inalis ang atensyon nila kay Zach. Maya-maya lang ay narinig na namin ang tunog ng doorbell.
"Excuse me," sabi ko saka tumayo upang tunguhin ang pinto. Kakapihit ko pa lang ng door knob at di pa nangangalahati ang pagbukas ng pinto nang lumantad sa harap ko ang isang taong kilalang-kilala ko.
"Boo?!" bulalas ko nang mabawi ang sarili mula sa pagkabigla saka ito mahigpit na niyakap.
"My boo? W-what are you doing here?" halatang gulat na gulat din ito, mga ilang segundo rin ang naging yakapan namin bago naghiwalay. Napaatras ako nang kusa siyang humakbang papasok habang ang kaliwang braso ay nasa bewang ko pa rin saka nilibot ng tingin ang buong bahay, hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.”Do I need to do know something?” untag niya.
"Err—it was a long story, boo," sagot ko, grabe! Di ko inaakalang ang tinutukoy nilang Calvin ay si boo pala na bestfriend ko in states.
"Ano? Mag-uusap na lang ba kayo riyan?!" agad akong natigilan, maging ang pagngiti ko'y nawala na rin nang marinig ang boses ni Zach, marahil ay kanina pa siya sa likuran namin. Dahan-dahan kong iniiwas ang mga balikat mula sa pagkakahawak ni Calvin. Di ko na inantay pa na magsalitang muli si Zach, inaya ko na si Calvin na tumuloy sa hapag.
Habang kumakain kami'y di ko maiwasang mangamba dahil panay ang titig ni Zach sa akin, pakiramdam ko meron akong nagawang mali. Pagtingin ko naman kay Calvin ay titig na titig din 'to sa akin na para bang ang dami kong nililihim sa kanya.
"So, ano ka ba talaga ni Zach ha?" halos mabilaukan ako sa tanong ni Ethan, kanina pa 'to paulit-ulit ng tanong ah. Marahan kong ibinaba ang kubyertos saka lihim na nilamukos ang puting table napkin.
"Baka girlfriend, ang sarap mag luto eh," pabirong turan ni Levi. Di man ako nakatingin kay Calvin ar ramdam ko ang tulis ng mga titig nito.
"Totoo Zach, girlfriend mo?" gulat na tanong ni Gavin. Batid kong lahat ay nag-aabang sa magiging sagot ni Zach.
"Actually, she's my—" mariin akong napapikit, ayokong marinig ang sasabihin nito.
"—maid," pagdurugtong ko, mas mabuting sa akin manggaling, at least di gaanong masakit at nakakahiya. Nakita kong kumunot ang noo ni Calvin, alam kong di niya bibilhin ang sinabi ko, mayaman kami at imposibleng pumasok ako sa pagiging maid.
"Eh, di pwede pa pala ako," tumatawang sabi ni Gavin.
"Leave her," Zach in his cold voice, natahimik ang lahat. Parang may pinapahiwatig ang mga mata ni Zach pero agad-agad namang nawala.
"Boo, di ka na kumakain?" sabi ni Calvin na nasa tabi ko lang habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Napatigil ulit sa pagsubo ang lahat saka dahan-dahang napatingin sa aming dalawa.
"Boo?!" bulalas ng lahat maliban kay Zach na nakakunot na ang noo.
Tumawa lang si Calvin saka nag paliwanag "we used to know each other, way back in college. We're the best of friends, to be precise," paliwanag nito sabay hawak sa kamay ko, napaigtad ako nang gawin niya 'yon.
Napatingin ako kay Zach na ngayo'y titig na titig rin sa kamay ni Calvin na nakahawak sa akin kaya dahan-dahan kong hinila ang kamay ko ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ni Calvin. Natigilan pa ako nang punasan ni Calvin ang bibig ko, “still a messy eater, huh.” he whispered then chuckled. Inulan naman kami ng asaran.
***
Nag-iinuman sila sa labas kaya naisipan kong maglinis na lang dito sa loob, wala naman kasi akong magawa at isa pa gusto ko ring umiwas kay Calvin, natatakot ako sa mga tingin ni Zach sa tuwing nag-uusap kami ni Calvin.
"Hi boo," halos mapatalon ako nang marinig ang malambing nitong boses, masyadong preoccupied ang isip ko kaya di ko na napansin ang paglapit nito.
"I missed you so much. I thought I will never get to see you again," sabi nito saka niyakap ako mula sa likuran, napatingin ako sa paligid dahil baka makita kami ni Zach, sa totoo lang ay di ko alam kung bakit masyado akong nag-iingat, siguro marahil sa salitang—mag-asawa kami.
"Ah, m-medyo masikip, Calvin," nag-aalangan kong turan saka dahan-dahang kumawala sa kanya. Sa halip na bitawan ako ay mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Give me your number and I'll let go of you now," sabi nito, sabay abot ng cellphone niya sa akin. Mariin akong napapikit saka nagpakawala ng malalim na paghinga, binigay ko na ang number ko at nang bitiwan niya na ako bago pa man kami makita ni Zach.
"Thanks, boo," nakangiti nitong turan saka ako hinalikan sa kamay. "I'll call you later," kinindatan niya pa ako bago tumakbo palabas ng bahay, saka lang ako nakahinga.
Sinimulan ko na ring maglinis, tinungo ko na ang sala saka niligpit ang mga nakakalat, malaki ang bahay kaya malaki rin ang lilinisan ko. Nakakatawa, gabi na'y naglilinis pa rin ako, nawala na rin kasi ang antok ko kanina nang makita si Calvin.
Matapos kong linisin ang sala at ang guess room ay pumunta na ako sa itaas, nagdadalawang-isip pa ako kung papasok ba ako sa kwarto ni Zach, baka magalit siya kapag ginalaw ko ang mga gamit niya, pero baka mas lalo siyang magalit kapag di ko to nalinisan.
Pumasok ako sa kwarto ni Zach, napakalaki nito, maganda at nasa ayos ang lahat, halos puti ang lahat maliban sa isang pinto na kulay abo...
"You’re so silly, Gail," nasabi ko na lang sa sarili, natawa pa ako dahil sa naisip ko na kapangalan ko ang kulay ng pinto.
Nacurious ako sa pintong 'yon, hinawakan ko ang door knob at swerte namang nakabukas 'to, binuksan ko ang ilaw at bumungad sa akin ang sandamakmak na damit, isa itong walk in closet, may nalaglag na necktie sa sahig kaya pinulot ko at hinanap kung saan ang lagayan ng mga ito pumunta pa ako sa dulo pero sa halip na mga damit, ang bumungad sa akin ay isang malapad na hagdanan.
Natatakot akong ituloy pero gusto ko talagang malaman kung ano ang nasa dulo ng hagdanan na 'yon kaya umakyat ako. Pagdating ko sa dulo isang pinto nanaman na kulay abo ang nakita ko, hindi rin ito nakalock kaya hindi ako nahirapang makapasok.
Nagulat ako kung ano ang nakita ko sa loob, isa itong malaking silid na may nag-iisang kama lang ngunit malaki, siguro kakasya dito ang pitong tao, wala itong gaanong laman at kabaligtaran ito sa kwarto ni Zach, kung ang kwarto ni Zach ay halos puti at napakaliwanag ang lahat, dito naman ay napakadilim, parang isang taong may dalawang personalidad. Napakunot noo ako nang maisip ang bagay na 'yon.
Napatingin akong muli sa itim na kama, dahan-dahang bumigat ang mga talukap ko sa mata. Marahil ay napagod talaga ako ngayong araw. Napangiti ako saka pabagsak na nahiga, napakalambot ng kama at napakadulas ng cover nito, dahan-dahan akong nahulog sa pagkakatulog.
Napadilat ako ng mata nang maramdamang may mga matang nakatingin sa akin, di nga ako nagkamali—dahil pagdilat ko ay nakita ko si Zach na nakaupo sa paanang bahagi ng kama at titig na titig sa akin. Agad akong napaupo sa kama at tumambad sa harap ko si Zach, loosen tie, loosen shirt, loosen belt at nakalantad ang dibdib nito. Namumungay ang mamula-mula nitong mga mata, naka-awang ang mamula-mula nitong mga labi na tila ba ginagamit niya ito sa paghinga.
"What are you doing here?" halos pabulong na ang pagkakasabi ni Zach nun pero rinig na rinig ko, maging ang paghinga nito. Napaatras ako nang gumapang siya palapit sa akin.
"H-hindi ko naman s-sinasadya, I was just cleaning your room and—" nanginginig kong paliwanag na pinutol niya naman agad.
"Cleaning or seducing, there's a big difference between the two. Make yourself clear Gail, so that your husband will not be confused," mapanuya nitong turan, dahilan para di ako makasagot. Para sa akin walang kahulugan ang sinasabi nito pero di ko maiwasang di manginig lalo pa at ito ang unang pagkakataong makita ko siya sa ganitong anyo.
"I guess, you want to know what is this room for. I wanna feed you with your own curiosity--my little kitten," parang alam niya kung ano ang iniisip ko, gusto ko ring malaman kung para saan ito. Lumapit pa siya sa akin kaya napaatras nanaman ako hanggang sa mapasandal ako sa headboard ng kama.
"F-for what?" I managed to put up those words. Itinukod nito sa headboard ng kama ang kaliwa nitong kamay dahilan upang makulong ako.
"It's for my dark side," nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin pero parang may ibang kahulugan ang mga salitang 'yon. Napaigtad pa ako nang haplusin ng kanang kamay nito ang pisngi ko.
"For your what-- dark side? Ah, I almost forgot, you're a devil right?" I said in sarcasm as I tried hard to maintain my composure in front of him. Ayokong maulit ang kahinaang ipinakita ko sa kanya kagabi.
I saw him smirking. "Yes, and you are my slave, and right now-- I am savagely craving to taste my prey," belong nito sabay hila sa akin palapit sa kanya. Ngumisi siya, I grind my teeth as I watch his perfect set of white teeth flash in front of me.
"You're totally insane, Zach. You’re sick!" itinulak ko siya pero para siyang isang matigas na pader na di ko kayang galawin.
"Yes, I am. So don't mess with me, Gail!" sabi nito, parang iba ang nararamdaman ko kaya umiwas ako. Gusto kong makaalis sa pagkakadikit sa kanya, pero iniharang niya ang katawan nang akmang tatayo ako.
"S-stop this nonsense Zach. I'm begging you to s-stop!" nauutal kong turan nang matapos niyang haplusin ang mukha ko ay bumaba ang mga kamay nito sa hita ko. "How pleasing would that pleading be if you were under me," napasinghap ako sa mapang-akit nitong boses, mariin ko na lamang nakagat ang pang-ibabang labi at saka mariing napapikit nang maramdaman ang dahan-dahang pag-akyat ng kanang kamay nito.
Zach let his guard down and so I managed to escape, bumaba agad ako ng kama but in a very short range of time ay nahila niya ako pabalik at pabagsak na inihiga sa kama. Pumaibabaw siya sa akin saka yumuko upang bumulong.
"Where do you think you're going, wife? Sa boo mo?!" I could sense the sarcasm in his deep hoarse voice, amoy na amoy ko ang alak sa Kanya. Nagpumiglas ako, he held my hands the way he had it last night.
"What if I'll make your first reunion a bit dramatic-- an enticing plot for a not so special person," gigil kong nakuyom ang kamao saka nagpupumiglas pero ano bang panama ng lakas ko kay Zach.
"I like this picture of him; devastatingly rummaging through my entire house in finding you, while I am here, slowly devouring you," nanlamig ako sa narinig, he can't be serious! He can't do this sick stuff!
"Please-- let me go," I prayed in front of him, sa mga ganitong pangyayari ay 'yan lang ang kaya kong gawin.
"The more you plead-- the more I crave," he hissed. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang ngumisi siya, kasunod nun ay ipinasok niya ang kamay sa loob ng damit ko at sapilitan akong hinalikan. I could feel his tongue teasing mine and his warm hand on my bare waist. Ngunit sa gitna ng pangyayari ay bigla siyang tumigil.
"Uhg-- damn it! You're not supposed to be eaten all at once. Get out," he coldly say. Tulala akong naglakad palabas ng silid hanggang sa makababa ako ng hagdan, dahan-dahan kong inayos ang nagusot na damit at ang nagulo kong buhok. Nagtataka man ako kung ba't siya tumigil kanina ay nagpapasalamat pa rin ako, dahil di natuloy at nakawala ako, isa lang ang natutunan ko-- ang di na pagpasok ulit sa silid na 'yon.