Ashlin Gail Grant Dahan-dahan akong bumaba ng kama nang makaalis na si Zach. Napatingin ako sa sarili sa salamin. Tila ba hindi ko na nakikilala ang sarili ko. Marahan kong hinaplos ang marka ng kagat ni Zach sa bandang balikat habang pinapasadahan ng tingin ang ilang marka ng mga halik nito. Nasa ganoon akong sitwasyon nang tumunog ang cellphone. Tumatawag si Rufina. "Hello, Gail?" bungad nito. "Rufina," mahina kong sambit. "Kakagising mo pa lang ba?" tanong nito, marahil ay napuna nito base sa boses ko. "Oo eh." "Tinanghali ka ata," sabi nito saka humagikhik. Loko-loko. "O, ba't ka nga pala napatawag?" pag-iiba ko ng usapan. "Tungkol doon sa tatlong araw nating bakasyon, nakausap ko na si Sierra," pagbibigay alam nito, " she will talk you out to Zach," dugtong nito. I smiled, k