Ashlin Gail Grant
It’s been a week already since tumira ako sa bahay ni Zach. A week already of avoiding him. I don’t wanna get intimate with him either. Well, wala naman din siya sa bahay everyday so I’m good. Nakakapagtaka lang kasi simula ng maikasal kami ay mas naging bihira na ang pag-uusap namin.
“I’m bored!” I screamed saka naglibot sa labas ng bahay. Sariwa ang hangin at tahimik. Exclusive kasi ang subdivision na ‘to kaya napaka peaceful. Naalala ko bigla nung nanirahan kami ni ate sa California, the city where we lived was peaceful and has a lot of great view, I could say it was perfectly fine lalo pa’t anaw na tanaw ang buong San Francisco.
Magtatakipsilim nang naisipan kong pumasok sa loob, nilalamok na rin ako sa kakatayo dito. Nakakailang hakbanag pa lamang ako nang may narinig akong nabasag mula sa loob. What the! I’m alone, who could that be?” parang umakayat lahat ng dugo ko at nanlamig ang buo kong katawan. I dialed Zach’s phone at nang di siya sumagot ay nag-iwan ako ng voice mail telling that there’s some intruder. I just hope he’ll make it in time.
I grabbed the metal hooked bar that is used in pulling the fiber curtains of the deck upang gawing armas, syempre dapat prepared. Dahan-dahan akong naglakad, sinisilip bawat sulok, nakarinig ulit ako nang isa pang pagkabasag na nasundan ulit ng isa pa. “Oh my jesus lord, patawarin niyo po ako sa aking mga kasalanan at kung ako’y mamatay man kunin niyo po ako at dalhin sa iyong kaharian. No impyerno please, I hate hot. Hot na daddy hindi. Ame…” natigilan ako sa kakadasal nang makita ang ang isang babaeng nakatalikod mula sa kinaroroonan ko, tulala itong nakatingin sa mga basag na litrato ko na ngayo’y nasa sahig na. In reality mga litrato ni Ate Ria.
“Amen sayo girl. Tinakot mo ako, sinong santo ka?” I crossed my arms as I asked her with sarcasm. Sabay ng paglingon nito ay ang matinis nitong sigaw na aakalain mong nakakita ng multo. Napaatras pa ito at nasagi ang iba pang babasaging bagay.
“Ahhhh! ka rin. Chill okay? Nabasag mo na nga mga pictures ko,” malamig kong turan saka itinapon sa tabi ang hawak kong metal bar.
“I-ikaw ang nasa picture?” tanong ng babae na sinagot ko lang ng tango. “But how? Sino ka?” nakakunot noo ako sa naging tanong nito.
“I’m Maeve Ria,” maikli kong tugon, “ikaw, sino ka? Ah, side chick ni Zach?” plain kong turan. Nakita ko ang pag ngiwi nito at ang pagtaas ng kilay nito.
“Kapatid niya ako, engot,” Wow! Natigilan ako sa naging turan nito. Ako na sumacomlaude? Ako na nag-aral sa Harvard...engot? Durugin ko kaya tong duwendeng ‘to. Char lang di ako graduate ng Harvard.
“What happened?” Agad kaming napatigil at napalingon sa kinaroroonan ni Zach. Halatang nagmamadali ito.
“Zee!” sigaw ng duwende este kapatid niya saka yumakap kay Zach. Wait, kung kapatid siya ni Zach ibig sabihin ang babaeng ‘to ay si…
“Sierra?” kunot noo kong turan. Ngumiti sa akin ang dalaga saka yumakap ng mahigpit kay Zach.
“Zee, akala niya side chick mo ako,” sumbong nito then she giggled. May sa masamang elemento talaga ‘tong batang ‘to, ipapahamak pa ako. Tinitigan ko ‘to mula ulo hanggang paa, halos di ko na ‘to makilala dahil ang bata niya nang huli ko siyang makita.
Panandalian akong tinapunan ng tingin ni Zach bago niya ibinaling ang atensyon sa kapatid, “What are you doing here, Sweetie?” tanong niya dito.
“Binibisita ka. Sabi ni Mom bisitahin mo raw siya,” biglang sumagi sa isip ko ang maamong mukha ng ginang. Naglakad sila palabas ng bahay at di ko na gaanong marinig ang pinag-uusapan nila. sierra Nakatuon ang atensyon ko sa basag na litrato ni Ate kaya isa-isa ko itong pinulot at ipinatong sa ibabaw ng babasaging mesa. Nilinis ko na rin ang mga nakakalat na bubog. Patapos na sana ako nang masugatan ang aking palasingsingan. Napalalim yata dahil medyo mahaba ang hiwa at malakas ang pagdurugo. Dali-dali ko namang pinulupot ang manggas ng suot kong bestida nang marinig ko ang papalapit na yabag. Lihim kong napisil ang daliri habang ikinukubli ito sa likuran upang mapigilan ang pagdurugo.
“Where’s Sierra, Baby?” malambing at abot tenga ang ngiti kon tanong.
“She went home,” labas sa ilong na sagot nito, “what happened? Bakit nabasag?” dagdag niya pa.
“I don’t know. Sierra must have accidentally dropped them,” sagot ko dito. Ngumiti siya sa akin ng matamis saka humakbang palapit.
“I see,” maikli nitong tugon. “By the way, I wanna ask you something,” sabi nito na sinagot ko lang ng mahinang tango. “Will you marry me?” casual nitong tanong.
Tulala akong napatitig sa mga asul nitong mata, pilit inaanalisa kung nagbibiro ba siya or nagtatanong lamang for future purposes. Kasi kung iisipin ko, if Zach will ask Ate Ria for marriage he will prepare the most luxurious set up.
“You won’t?” kumunot ang noo nito nang ‘di ako makasagot. Para naman akong hinila pabalik sa realidad, why am I even zoning out? Maybe he’s trying to be cute.
“Of Course, Yes! I’d gladly marry you, Zach,” sagot ko habang ngumingiti nang abot tenga.
“Great!” aniya, then put a ring in my finger. Napaigtad pa ako nang matamaan nito ang sugat ko.
“Zach?” bulalas ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa singsing na nasa palasingsingan ko.
“Just say YES. Matagal na natin ‘tong plano, diba? Now it’s coming true,” sabi niya. What, plano? Baki’t walang nabbanggit si Are Ria sa akin.
“But…” nilibot ko ng tingin ang buong bahay. Tanging kami lamang ang naroon. Di ko mawari ngunit di ako masaya, walang sino man ang saksi sa confession niya. I mean, if he’s proposing to Ate Ria, it should be something-- special.
“But what, Ria?” napatingin ako sa mga mata nitong walang kaemo-emosyon. Those aren’t the eyes of the guy who’s madly in love with my twin sister. Knowing that I am standing in front of him as Ria, how could he be so cold towards me? Has he fallen out of love for her? But he proposes. Napakaraming mga katanungang tumatakbo sa isip ko.
“I mean...it’s just the two of us here?” nag-aalangan kong turan. Nakita ko ang pagkurba ng labi nito saka niya inabot ang kamay ko at hinalikan ito.
“You asked me to do this in private,” puno ng pagtataka ko itong tinitigan. Ate asked him to do it in private? "I remembered you said it before that if ever someone proposes to you, you want it the most simple and private way. Am I doing it wrong? I can do better… I can tell the whole world,” para namang sinaksak ang puso ko nang makita nag pagkadismaya sa mukha nito. I hurt him. I'm so foolish, and maybe I was overthinking stuff and expecting too much. "I'll redo the proposal."
“No!” bulalas ko nang marinig ang sinabi nito. Who would redo a proposal like it's a script. That's utterly stupid.
"So…" he smiled warmly, stopping halfway.
"Yes. I'll marry you, Zach," I answered with a wide smile. He flashes a quick smile and then hugs me tight. I hug him tight.
***
I took a deep breath as I played the engagement ring that Zach has given me. Alas tres na ng hapon at ang katamtamang init ng sikat ng araw ay nahalinhinan ng matayog na puno. Mga dahong nagsisilbing kandungan ng mga malalamig na lapida at palatandaan ng mga naihimlay na. Sa dipa nitong abot limang metro at napakalapad nitong katawan ay paniguaradong maraming taon na itong napagdaanan.
“Ate, Zach proposes to me. Practically speaking, he proposes to you. I said yes, Ate. Nabigla ako, hindi ko alam na umabot na pala kayo sa ganoong plano. I was hoping for a longer period of time to teach him how to love me as Ashlin and not as you. To be real with him. To tell him the truth and to comply promise to you without compromising his trust.” Dahan-dahan kong inilapag ang puting rosas na nabili ko. Napansin ko rin ang kumpol ng mga bulaklak na halatang kakalagay lang. “Bumisita pala ang Doctor mo, Ate?” nakangiti kong turan. Wala nang ibang pwedeng maghatid sa kanya ng bulaklak kundi ako at ang Doctor niya lang, bukod tanging kami lang ang nakakaalam.
"What will I do, Ate Ria? Looks like I'd be you for the rest of my life. Dapat pala’y pangalan ko na lang ang nasa lapida or much better ako na lang sana ang nawala,” napaahagulhol na ako ng iyak, “You are brilliant. Smart. Beautiful and even kinder than me. You've achieved a lot while I don't. You have a lot of dreams and always go for the best while I settle for good. You excel in everything and I don't. You are someone while I am no one. How cruel fate is, ako dapat ang kinuha.” Marahan kong hinaplos ang pangalan nito saka ako nahiga sa maberdeng damuhan habang ginawa kong unan ang lapida ng kakambal ko. “Look Ate, I’m wearing the ring na dapat ay sa iyo lang. How happy would you be hearing him ask you what he has asked me. I'm Sorry, Ate ko. Sorry for taking what is yours,” biglang umihip ang malamig na hangin, humahagod sa buo kong katawan. I turned to my side and curled myself into a hug, "I am missing you. In this vast world-- I am alone."
“Ma’am…” nagising ako sa isang mahinang pag-yogyog, “magtatakipsilim na po, Ma’am. Magsasara na po ang sementeryo,” bumungad sa akin ang guard ng sementeryo. Napatingin ako sa paligid at nagsisimula na ngang dumilim. Nakatulog pala ako.
“Salamat po. Nakatulog pala ako,” tumayo na ako saka nagpagpag. Tumuloy na ang guard sa rota nito, sinusuyod ang buong sementeryo. “Dalawin kita ulit, Ate. I love you,” turan ko saka tinungo ang sariling sasakyan.
***
Tila lutang akong nakaupo sa loob ng courtroom, halos di pa pinoproseso ng utak ko ang lahat ng mga bagay-bagay. Lahat ng sinabi ng Judge ang sumpaan at pagpirma. Parang kahapon lang ay nag-propose sa akin si Zach ngayon ay kasal na kaming dalawa. Legal niya na akong asawa. Napatingin ako kay Zach na ngayo’y nakikipagkamay sa Judge habang nasa likod niya naman si Sierra na bukod tanging saksi sa pag-iisang dibdib namin. Eto na ba? Yun lang? Tapos na? Wala man lang ka-effort-effort. Don’t tell me hiniling din ‘to ni Ate!
Pinagbuksan kami ng driver nito saka ako sumampa sa black limo. “Would you like to eat somewhere else, Mr. Maxwell?” tanong ng driver nito.
“No. I’m tired. Let’s go home,” nakita ko ang sekretong pagsilip sa akin ng driver mula sa rear view mirror, nagpang-abot ang mga mata namin kaya nginitian ko na lamang ‘to at tumango.
Tahimik kami sa buong byahe. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manggas ng suot kong damit habang palihim na ninanakawan ng tingin si Zach. Nakapangalumbaba lamang ito habang nakatingin sa labas, wari’y malalim ang iniisip. May kung anong kirot sa puso ko, mukhang hindi espesyal ang araw na ‘to.
Pagdating ng bahay ay nauna pa siyang pumasok. Sa loob-loob ko, may kasalanan ba ako? Pinaghalong pag-aalala, takot at kaba ang nararamdaman ko, thinking that this will be our first night. Di ako mapakali sa loob ng silid nang marinig ko ang isang katok at nang bukasan ko ay bumungad sa akin si Zach. his expression is cold, his gaze are fiercing. Sabi niya aalis siya and won’t be home for days. He said it was an emergency, of course, I'm ok with it. It means we're not going to spend the night together. Halos pasalamatan ko na nga ang ang emergency na 'yon.
Nakahinga lamang ako nang masiguro kong nakaalis na si Zach. “Oh my juice, Gail. Muntik ka na run. Ba’t di mo tinanong sa ate mo kung nagawa na ba nila ang sagradong ritwal ng mag-asawa. Paano ngayon kung nagawa na niya tapos virgin ka-- mabubuko ka talagang babae ka. Napakabobo mo,” inis kong naihilamos ang sariling kamay sa mukha. I need to come up with a plan!
“First, I should find out kung nagawa na ba nila. If may nangyari na nga sa kanila, anong gagawin ko? Bubutasan ko sarili ko? How can I take myself?” I ran to my room and grabbed my laptop. I instantly do the search at di nga ako nagkamali may nahanap ako.
“Finger-- abot ba?” I instantly check my fingers. “What the! I will lose my first sa sarili ko?!” Napakadesperada naman. “Cucum-- no never! Eggpla-- what?! Ang baboy naman ng mga suggestion na ‘to!” Pinandirian ko ang ideyang 'yon kaya dismayado kong isinara ang laptop. Para akong tangang kinakausap ang sarili.
“How about if gawin na namin ang banal na ritwal eh nagkukunwari akong chokz lang, no hard feelings below lang. Hm… I think that would work,” na ii-stress ako sa mga problema ko. Pabagsak akong nahiga sa kama. “It feels good to be his wife, pero parang may kulang. Will you marry me if nalaman mong ako si Ashlin ang babaeng patay na patay sa’yo before?
It’s been two weeks mula nang maikasal ako kay Zach. Two weeks na rin siyang di umuuwi. I’m so bored, I need to go shopping. I borrowed one of Zach’s car, habang nasa daan ay naagaw ang atensyon ko ang nakaparadang mga mamahaling sasakyan. A guy in a black Lamborghini caught my attention. Ibababa ko na sana ang window pane ng kotse ko nang mag green light na.
Mga ilang oras na rin ako sa Starbucks after I went shopping. Wala naman akong gaanong nabili, just some few of my few skin care and a few clothing to upgrade my wardrobe. I was about to leave the store nang makareceive ako ng message mula kay Lea, my bestfriend na pinagkatiwalaan ko ng couture ko sa California, instead of replying through chat ay tinawagan ko na ‘to through video call.
“Gail! How have you been?” bungad agad nito.
"I'm doing great," I flashed a sweet smile. Hindi niya pala alam ang tungkol kay Zach. How can I tell her na may niloloko akong tao and I was posting as someone else. She surely will be upset with me.
“How’s the business going?” Tanong ko upang maiba lang ang usapan.
“What do you expect? Your couture is famous with the Hollywood stars.” abot tenga ang ngiti nito. I chuckled. Kung may bagay man ako na maipagmamalaki at masasabi kong akin ay ang Couture ko. I built it from scratch and with my own hands. “By the way alam mo na ba ang isyu ngayon tungkol sa pekeng Midnight Valentine?” dagdag nito.
Napakunot-noo ako, ito ang isa sa mga disenyo ko, “pineke?”
“Yes, ginaya ang gawa mo. But don't worry I've sent our lawyer already," I know Lea can handle it well.
“Good to hear, Lea.” maikli kong tugon, sa ngayon ay ayaw ko munang dagdagan pa ang iisipin ko. Bigla namang sumingit mula sa background si Eunice, a 21 years old half canadian and half filipina kong kaibigan.
“Hello, Babygirl!” pabirong bati nito sa akin while waving her hand, “Hello, Crazy,” I greeted back, napatawa na lang si Lea. Mga ilang minuto rin kaming nag-uusap nang maisipan kong umuwi. I turned down the call sakto namang nagflash sa screen ko ang message ni Zach.
I receive a message from him, telling me to move into his room since he's preparing the guest room for a guest. For someone who has caught up in this kind of situation. Kakabahan talaga ako. The mere fact that we haven't consummated our marriage and thinking about staying with him in the same room is-- quite scary.