bc

Billionaire's Nanny

book_age18+
6.8K
FOLLOW
17.6K
READ
billionaire
pregnant
sweet
bxg
lighthearted
single daddy
city
nanny
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Gage Salvatore is a business man. In order to have his daughter taken care of, he must find a good nanny. And there goes Rohesia Andrada. Six years nang nagtatrabaho si Rohesia sa restaurant-bar, she loves her job but she wants to explore. Ayaw naman niya na ganuon na lang lagi ang routine niya. Eat. Work. Sleep. Repeat. Kaya naman nang alukin siya ng isang high-end business man ay syempre hindi muna siya pumayag. Nagkaroon pa ng kaunting pilitan bago siya nakumbinse na hindi isang scammer si Gage.

Magkakaroon kaya ng pag-ibig sa kanilang dalawa? Will they find their sweet peace with each other? Let's find out!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ano na namang ginawa mo, Arjay!? Diyos ko, papatayin mo talaga ako sa konsimisyon ano. Ikaw talagang bata ka!" rinig ko ang nakakarinding sigaw ni Mama mula sa aking kwarto. Kukurap kurap akong bumangon sa aking kama. Kinusot ko ang aking mata at napairap na lang nang magpatuloy pa rin ang sigawan sa labas ng kwarto. May ginawa na naman sigurong kabalastuagan itong bunso kong kapatid dahil hindi naman magsisisigaw si Mama kung wala siyang ginawa. Kinuha ko ang suklay sa aking aparador bago ako lumabas ng kwarto. Sumalubong sa akin si Mama na kurot kurot sa kuntil ng tainga si Arjay. Napailing na lamang ako. Ang aga aga, pasaway na agad itong bunso namin. "Aray, aray! Mama naman eh, wala naman akong ginawa ah," halos maiyak na sabi ng bunso kong kapatid. I doubt na wala siyang ginawa. Halos araw araw siyang napipingot ni Mama sa tainga dahil sa sobrang pasaway niya. "Ano na naman ang ginawa mo?" singit ko sa kanila. Agad na nagliwanag ang mata ng aking kapatid bago marahan na tinanggal ang pagkakapingot sa kaniya ni Mama. Tumakbo siya papalapit sa akin at parang bata na yumakap sa akin, isinubsob ang mukha sa aking tiyan. "Ate, Ate! Good morning. Wala akong ginagawa, 'Te!" defensive na sagot niya. Napatingin ako kay Mama na iiling iling na lang dahil sa kagaguhan ng bunso niyang anak. Napangisi ako, ang tigas ng ulo nito eh. Hindi ko alam kung saan siya nagmana. Si Papa naman daw ay matino noong kabataan niya. "Talaga?" hindi naniniwala na tanong ko. Tumango tango ito. Tumingin ako kay Mama na napasapo na lang sa kaniyang noo. "Anong wala? Sino pala ang humalik kay Jenna, ha!? Hindi ka na nahiya, lalaki ka. Tatay niya pa talaga ang nakahuli sa iyo!" Nanlaki ang aking mata at agad na inilayo sa akin ang kapatid ko gamit ang kaniyang balikat. Nakanguso na ito sa akin at kinukurap kurap ang mata. Ibig sabihin, totoo ang sinasabi ni Mama. "Hinalikan mo si Jenna? Ikaw talaga! Mabuti at hindi ka hinabol ng itak ni Manong Ruben?" nag-aalalang tanong ko. Simula bata pa talaga ay sutil na itong si Arjay. Kung dati ay puro pangbuburaot ang ginagawa niya, ngayong binata naman siya ay puro babae naman. Kaya laging nae-stress si Mama sa kaniya. "Hindi, Ate. Sabi ko kasi sa kaniya ilalakad ko siya sayo kaya ayun," anas niya bago alanganing tumawa. Nagkamot siya ng ulo at kimi na ngumisi sa akin. Halos mabilaukan ako sa sariling laway dahil sa sinabi ng sutil kong kapatid. Gago talaga 'to. Narinig ko ang malakas na pag-angal ni Mama sa aming harapan. "Naku talaga. Loko ka talagang bata ka! Halika ka nga rito!" Sumugod si Mama papalapit sa amin, may hawak siyang hanger kaya naman ako ang ginawang sangga ng kapatid kong pasaway. Napabuntong hininga na lang ako. Buti na lang at dumating si Elaine, ang pang-apat sa aming magkakapatid. Tatlo kasi kami at ako ang panganay. "Mama! Ate!" patili na anas ng aking kapatid na babae ng pumasok siya sa loob ng bahay. "Mama, Ate! With high honor ako! Yeeeeees!" tumitili na anas niya at nagtatalon pa. Nanlaki ang aking mata. Happiness spread on my whole being. I'm so proud of her. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mata. Bigla akong nahing emosyonal. Hindi ako naka-graduate ng high school. Hanggang 2nd year lang ako. Sariling desisyon ko naman na tumigil sa pag-aaral dahil sobrang hirap na hirap kami dati. Nagkasakit si Papa at nabaon pa kami sa utang. Kaya naman naisip ko na tumigil na lang para sila Elaine ang makapag-aral. Kaya naman sobrang saya ko na may karangalan siya. Bumuntong hininga ako at pasimpleng tumingala para mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Worth it ang sacrifices ko. Sobrang worth it. "Congrats, anak! Ang galing naman ng anak ko," malambing na saad ni Mama bago kinantalan nang magaan na halik sa pisngi si Elaine. Humagikgik ito at nagpasalamat bago ako nilapitan. Pero bago iyon ay binelatan niya pa si Arjay at halos isupalpal na sa mukha nito ang certificate niya. Umungol si Arjay dahil sa inis kaya naman mahina akong natawa. "Ate, with high honor ako!" tuwang tuwa na sabi niya at nagtatalon pa sa harapan ko. Ngumiti ako at niyakap siya. Gumanti siya sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi. "Thank you, Ate. Kung hindi dahil sayo hindi ako makakapag-aral," tila maiiyak na sabi niya. Naramdam ko ang mas paghigpit ng yakap niya sa akin. Ngumiti ako at umiling. "Wala 'yon. Mamaya paguwi ko dadaan ako ng red ribbon, ibibili kita ng cake," anas ko bago humiwalay ng yakap sa kaniya. Lumakad ako papunta sa lamesa para kumain na at habang nalakad ako ay nakasabit pa rin sa akin ang bunsong sutil kong kapatid. Bibilhan ko rin ng cellphone si Elaine. Matagal na ang cellphone niya, pinaglumaan ko pa 'yon. "Wow, cake! Eh sa akin Ate?" hirit pa ng bunso kong kapatid. Napairap ako. Tumawa ng malakas si Elaine. "Eh bakit may honor ka ba?" mapang-asar na sabi ni Elaine. Ngumuso ito at nagpa-cute sa akin. Kinunot ko ang aking noo at hindi na siya pinansin pa. Kunwari ay hindi ko siya naririnig. "Kumain ka na, anak. May hotdog at itlog diyan. Kung gusto mo ng sabaw, uutusan ko bumili itong si Arjay," sabi ni Mama. Agad na umangal si Arjay kaya napailing na lang ako. Kahit kailan talaga, ang tamad nito. "Huwag na, Ma. Tama na ito," sabi ko na lang. NANG nasa trabaho na ako ay panay ang sulyap sa akin ni Lizzy. Pinagtaasan ko siya ng kilay at may inginuso siya sa aking likuran. Kumunot ang aking noo. "Ano 'yon?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Kinuha ko ang apat na bote ng beer at inilagay sa tray. Ibibigay ko na sana sa kaniya nang umiling siya. "Ikaw na muna mag-serve, please. Feeling ko manganganak na ako. Putangina, ang sakit." Dumadaing na anas niya habang sapo sapo ang malaki niyang tiyan. Nanlaki ang mata ko. Lalapitan ko na sana siya pero umiling siya. "Huwag na. Ayos lang ako. Parating na rin naman si Reev, i-serve mo na lang 'yan. Mga high-businessman ang nandoon, Rohesia. Nakakahiya kung hindi agad sila ma-serve-an," nakangiwi na saad niya. Ilang segundo pa akong nakatingin sa kaniya bago ko binalingan ang nginunguso niya kanina. It's a pack of men. Walang mga babae sa table nila. Kararating pa lang siguro nila kaya hindi pa sila naga-hire. "Sigurado ka, ha? Kapag wala pa si Reev at hindi mo na talaga kaya sasamahan kita sa hospital," nag-aalalang anas ko. Tumango tango siya at halos mapairap ako nang itaboy niya ako gamit ang kamay niya. Ibinaba ko ng kaunti ang dress ko bago ko kinuha ang tray. Bitbit ko ito gamit ang aking dalawang kamay. Takot na matapon at baka pagbayarin pa nila ako. Bawas kasi sa sahod kapag naitapon ng waiter or waitress ang alak. "Here's your drinks po. Enjoy." Ibinaba ko ang beer kasama ang tray, aalis na sana ako roon pero may nagtanong pa kaya napatigil ako. "Anong best seller pulutan niyo dito, Miss?" tanong ng lalaking may hikaw na cross sa kaniyang tainga. Sinagot ko naman siya. At habang nagtatanong pa rin siya ay lumapat ang tingin ko sa isang lalaki na kanina pa nakatingin sa akin. Kimi akong ngumiti dito bago ako umalis. "Riri, ito 'yong order sa table 8. Ibigay mo sakin kapag is-serve na. Umalis na si Lizzy, nagla-labor na ata." Tumango tango ito at agad na umalis. At habang wala pa ang order ng table 8 ay nag-serve na rin ako sa iba pang table. Nang maluto na ang order sa table 8 ay hinatid ko doon. "Miss, kung single ka raw. Pinapatanong nito oh, interesado kasi sayo." Ngumisi ang lalaking may hikaw sa tainga bago sinanggi ang katabi niyang lalaki na parang maiihi na sa pagpigil ng tawa. Tinignan ko ang tinuro niya. Its the same guy who is staring at me kanina nang mag-serve ako sa kanila. He scowls before drinking on his beer. Lumunok ako at kimi na ngumiti. "I'm not fucking interested," asar na anas niya at umirap pa. Ngumuso ako at kinuha ang mga bote ng beer nila na wala ng laman. They are asking for more kaya kinuha ko na ang bote para hindi maging crowded ang table nila. "I'm single, Sir. Manliligaw po ba kayo?" nakikisakay na tanong ko. It's never fun when you don't get along with customers. Ang iba sa kanila ay hinahanap ang manager ng bar kapag hindi sila ine-entertain ng maayos. Paano sila ie-entertain nang maayos kung nagiging handsy sila? Naghiyawan ang mga lalaking kasama niya. Mas lalong kumunot ang noo niya at matiim akong tinignan sa mata. Ngumiti ako at umayos ng tayo. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko kinakaya ang intensisad ng mga iyon... masyadong malakas. Makapal ang kilay niya. He has a brown eyes with some gold flakes inside. Hanggang balikat niya ang kaniyang buhok, nakalugay iyon at napansin ko rin kanina na punong puno ng tattoo ang kaliwang braso niya. "Tangina, Gage! Chance mo na 'to para hindi ka tumandang binata. Para may nanay na rin si Aldreada!" tuwang tuwa na sabi ng lalaking may cross sa tainga. Mahina akong tumawa. "Have a good night. Enjoy your drink," sabi ko na lang bago umalis doon. Sakto naman na tapos na ang shift ko kaya nagligpit na ako ng gamit. Nagpalit ako ng damit at inilagay ko ang ibang gamit ko sa locker. "Tapos na shift mo, Ate?" Napatingin ako sa pintuan ng staff room nang pumasok si Jade, ang pinakabata na crew dito sa restau-bar. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. "Oo, ikaw ba?" tanong ko habang inaayos ang gamit ko sa locker. "Mamaya pa akong 10, Ate. Okay lang naman, mas gusto ko naman dito mag-stay kaysa sa bahay," malungkot niyang sabi sa akin bago tipid ng ngumiti. Napatitig ako sa kaniya. Jade has an abusive family. Naikwento niya sa akin ang mga pinagdaanan niya kaya naman sinabi ko na kapag kailangan niya ng matutuluyan, open na open ang bahay namin para sa kaniya. "I'm sorry you have to experience that, Jade. Pwede ka naman sa bahay," sabi ko. Wala atang araw na hindi ko siya kinukulit na umalis na lang sa kanila at tumira sa amin. "Ano ka ba, Ate. Sanay na ako. Mauna na ako, ha. Baka bungangaan na naman ako ni Joseph," anas niya at dumiretso na palabas, hindi pinansin ang alok ko sa kaniya. Napailing na lang ako. Pagtapos ko magligpit ay nagbilin muna ako kanila Joseph at naglakad na pauwi. Ganito ang routine ko araw-araw. Tulog, kain, bar, lakad papuntang jeep, sakay and repeat. Paulit ulit lang. Madami na nga ang nagtatanong sakin kung kailan daw ako mag-aasawa eh wala pa naman sa isip ko 'yon. May mga naging boyfriend ako dati pero hindi naman nagtatagal. Tahimik kong tinatahak ang daan patungo sa sakayan ng jeep. Napaubo pa ako nang malanghap ko ang usok nang nag-iihaw. Naisipan ko na rin na bumili ng barbecue. "Manong, ito po bayad ko. 'Wag niyo na po akong suklian," sabi ko. Inabot ko kay Manong ang bayad. Nagpasalamat ito kaya ngumiti na lang ako bilang sagot. Habang hinihintay ko na matapos ang pag-ihaw sa barbecue ay kinain ko ang junkfood na nakalagay sa aking bag. Hindi pa ako nangangalahati nang biglang may naupo sa aking harapan. Napatingin ako sa kaniya. 'Yong lalaki kanina sa bar! Si Gage! Namimilog ang mata ko siyang tinignan. Anong ginagawa niya dito? I mean, public place 'to at lahat ng tao pwede rito pero bakit sa harapan ko pa siya naupo? "I-ikaw? Hala, bakit andito ka?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Tumaas lang ang kilay niya at hindi ako sinagot kaya napairap ako. Tignan mo 'tong taong 'to, tinatanong eh. "Tototohanin mo ba 'yong sinabi ko? Na liligawan mo ko?" akusa ko sa kaniya. Dinuro ko pa siya sa mukha pero nang titigan niya iyon ay agad ko rin na ibinaba. Ang sungit. "I'm not here for that," maikling anas niya bago pinasadahan ng tingin ang paligid namin. Napatingin ako sa kabuoan niya. He's wearing a black button down dress. Black din ang slacks niya pati ang sinturon niya na Hermes ay kulay itim din. "Oh, eh bakit ka andito? Sinusundan mo ko?" mapang-akusa na tanong ko. Pinanlakihan ko pa siya ng mata. He stares at me for a minute before nodding slowly. Bago pa ako makapagsabi ng kung ano ano ay agad niya akong inunahan. "Before you say non sense things I will go first. Can you be my daughter's companion?" seryosong saad niya. Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil dumaan ang motor na may matinis na tunog. Ano raw? Onion?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook