HULING gabi ko rito sa Singapore. Kailangan ko ng bumalik sa Philippines dahil enrolment na namin at second semester ko na. May staycation din kaming magkakaibigan kaya need ko na rin bumalik sa Pinas. Ang bilis ng araw ko rito sa Singapore, ganito talaga siguro kapag masaya ka, ano? Iyong tipong ang bilis ng takbo ng oras para sa inyong dalawa. “Baby, here's your food!” saad ni daddy Godfrey sa akin at nilapag ang pagkain inorder namin. Maraming inorder na food si daddy Godfrey, mukhang gusto niya akong patabain, ano? Nandito na pala kami sa food court na mayro'n dito sa Singapore. Sobrang napagod ako sa buong araw namin. Buong maghapon kami sa Universal Studios lahat ng zones ay pinuntahan pero hindi naman lahat ay pinasukan naming dalawa, namili lamang kami. Kaya heto gutom at pa