NAGKAKASIYAHAN na ang lahat at ako ay pumunta sa table ni Achilles. Aba, may atraso ang isang ito sa akin. Bakit hindi niya sinabi ang tungkol dito, ha? “Hoy, Achilles?” tawag ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. “Hey, best friend, congratulations! Tangina, mukhang una kang ikakasal, ha? Okay, lang iyon, susunod ako kapag nahanap ko na ang babaeng naka-one night stan— aray! Bakit nambabatok ka? Ang sakit? Ang bigat talaga ng kamay mo! Mabuti na lamang talaga ay hindi ka nagpatuloy sa pagtuturo! Kawawa estudyante mo sa— sabi ko nga joke lang!” madaldal niyang sabi at tinikom na niya ang kanyang bibig na panlakihan ko siya ng aking mga mata. “Alam mo ang plano ng tatlong itlog na iyon, ha?” pagtatanong ko sa kanya. “Hindi, ha!” mabilis niyang sagot sa akin at bigla umiwas ng tingin. “

