JIXʼS POV: NANGUNOT ang noo ko nang marinig ang mabilis na boses ni mommy. “H—hey, calm down, mommy. Umiiyak ka ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya. “H—hindi, ha! Hindi ako umiyak!” Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses niya. Nagsisinungaling siya. Ngarag ang boses niya ngayon hudyat na umiyak siya. I know her. “B—basta pupuntahan ko kayo today, ha? Importante itong sasabihin ko sa inyong tatlo!” ulit niyang sabi sa akin. “O—Okay, mommy, just relax lang okay? Hintayin ka namin today. Kahit hindi ko alam kung ano ang gusto mong sabihin sa amin to the point na galing ka pa sa iyak. Nanaginip ka ba nang masama, ha?” Napatingin sa akin ang dalawa na nag-aalala na ring nakatingin sa akin. “Loudspeaker mo.” Jinʼs mouthed kaya sinunod ko ang sinabi niya. “Um, yes, o—okay lang tal

