NAGLILIBOT ang tingin ko sa paligid ng business party venue ngayon. Red and black ang kulay na bumubuo ngayon sa buong lugar, elegant and rich ang design, maging ang buong table ay naghahalo sa ganoʼng kulay. “Pinaghandaan ang lahat,” bukas ng aking bibig habang nakatingin pa rin sa paligid. “Yes, mommy. Pinapakita niya sa lahat kung gaano siya kayaman.” Kayaman, ha? “Best friend, alam mo bang narinig ko mula kay mom na nagbayad siay sa lugar na ito na worth 3M, plus the design ng place na ito and even the food, umaabot sa 10M ang ginastos niya. Iyon ang narinig kong bulungan kanina sa circle of friends ni mom,” sabi ni Achilles sa amin at kumakain na siya. 10M for this, huh? “Money canʼt buy class.” Napatingin sila sa akin. “Why? May sinabi ba akong mali? Totoo naman iyon, maga

