NAKITA ko pa rin ang tulalang mukha ni daddy Jim. Nakatingin lamang siya ngayon sa table namin. “Daddy Jim, are you okay?” tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at biglang ngumiti. “Ha?” Iyon ang lumabas sa kanyang bibig. “Tulala ka po kasi, daddy Jim. Anong nangyari sa iyo?” “Ah, um, wala, mommy. Iniisip ko lang iyong business namin, may meeting kasi ako sa Monday,” saad niya at ngumiti sa akin. Napatango na lamang ako sa kanya. “Ganoʼn ba? Akala ko may sakit ka, eh! O, baka naman ay nahawa ka na sa akin, naglilihi rin,” sabi ko sa kanya. “Hey, Jim, ayusin mo ang meeting mo sa Monday, ha? Sa MGM Apparels!” bulyaw ni daddy Jix sa kanya. Tumayo na lamang ako. “Puntahan natin siya, daddies! Gusto ko siyang batii—” “Huwag na, mommy!” madiin na sabi ni daddy Jim sa akin. “Ha? B

