“HAPPY birthday, Jix, Jin and Jim!” Napalingon sa amin ang tatlo at hindi makapaniwalang mga mukha ang nakita ko sa kanila. “Birthday party for us?” tanong nila at tinuro ang kanilang sarili. Tumangong ngumiti ako sa kanila. “Yes, para sa inyo ang birthday party na ito. Nalaman ko kina Jessi and Jaxon na ayaw niyong mag-celebrate at gusto niyo na lamang mag-dinner date, pero tumututol ang dalawang ito,” paliwanag ko sa kanila. “Tama ang sinabi ni mommy Xanthi, daddies! Gusto namin celebrate rin birthday niyo po! Kaya happiest birthday, daddies!” malakas na sabi ng kambal saa kanila. Nakita kong hinalamos ni daddy Jix ang mukha niya at nakaawang pa rin ang labi niyang nakatingin sa akin. “K—kailan niyo pa plinano ang party na ito, mommy?” tanong niya sa akin. “Last week lang... Iyong

