CHAPTER 62: PART 2: Little Bean

1944 Words

DUMATING na kami sa hospital kung saan naka-duty si doctor Emily, ang magiging obgyn doctor ko. Naalala ko siya ang doctor ko noong si Miya pa ako siya ang nag-asikaso sa akin kahit nakaratay lamang ako sa hospital. Na-contact na kasi ni tita Jewel kanina si doctor Emily at sinabihan niya kaming pumunta agad kami para makita ang kalagayan ng baby namin. “Mommy, are you okay? Nagugutom ka na ba muli?” bulong ni daddy Jim sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. “Hindi pa ako nagugutom. Anong akala mo sa akin patay gutom?” sagot ko sa kanya. Tinaas niya ang magkabilang kamay niya. “Hindi iyon ang gusto kong iparating sa iyo, mommy. Bigla ka kasing tumahimik kaya akala ko nagugu— aray, mommy, Iʼm just joking!” Sinikmuraan ko siya. Kanina pa siya maingay. “Mommy, donʼt mind Jim.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD