King's PoV Nandito ako ngayon sa harapan ng building nila Max. Hawak ko ang binili kong isang rose na gawa sa candy. Marami akong mga grocery na pinuntahan para lang makabili ng isang piraso. Ito na lang ang naisip kong ibigay kay Max dahil iyong ibinigay kong rose ay hindi nito nagustuhan. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa hawak ko. Ngayon pa lang iniisip ko na kung ano ang magiging reaksyon ng sweetie ko. Masiyado yata akong maaga na pumasok dahil kaunti pa lamang ang mga estudyante na nandito ngayon sa campus. "Maaga ka yata ngayon, King?" Si Vincent na palapit sa akin. Tumingin ito sa rose candy na hawak ko. "Ang cute naman niyan." "Maaga naman talaga akong pumapasok. Ikaw, bakit nandito ka na ngayon?" Umubo ito sa harapan ko. "Hindi ko naalala na maaga