Max's Pov "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Akiro habang inilalayo ako kina King at Stacey. Hindi ko alam na nandito siya ngayon sa restobar na pinuntahan namin ni Stacey. "O-Okay lang naman ako, sir." "Hmm, mukhang hindi naman. Huwag mo akong tawagin na Sir kapag tayo lang dalawa, Max. Naging magkaibigan naman tayo no'ng highschool. Hindi ba si King iyon at iyong kasama niya girlfriend niya?" "Si King nga iyon at kasama niya ngayon ang fiancé niya. Salamat nga pala at nagkataon na dumating ka." "Naramdaman ko na kailangan mo ng tulong ko kaya kita nilapitan kanina. Nauna lang ako kay King sa paglalakad kaya nalapitan kita kaagad. Nasa labas si Vincent at alam ko na ikaw din ang hinahanap niya. Gusto ko lang itanong, Max. Naging kayo ba ni King Del Rio?" Marahan akong