Max's PoV Hindi ko mapigilan na mapaluha habang inihahakbang ko palayo ang aking mga paa palayo sa kuwarto ni King. Sobrang bilis pa rin ng puso ko at pakiramdam ko ilang ulit na namang sinasaksak ang puso ko. Nagkunwari lang ako na natutulog kanina para makaiwas ako kay King. Kahit na nakapikit ako nararamdaman ko na nakatitig siya sa akin. Nasasaktan lang ako dahil hanggang ngayon galit pa rin sa akin si King. Kung alam lang sana niya ang totoo. Naisip ko tuloy na walang pupuntahan ang ginagawa kong ito. Pinagmumukha ko na lang tanga ang sarili ko. Dapat kong layuan si King para hindi na ako masaktan pa. Pero paano ko iyon gagawin? Kung hindi ko siya kayang iwan? Ikakasal na si King at kailangan ko iyong tanggapin. Sinabi ko na iyon nang paulit-ulit sa sarili ko pero bakit ganoon hin