Chapter 46

2015 Words

Max's PoV "O, bakit ka nakatitig sa akin?" naasiwang tanong ko kay King. Kasama ko siya ngayon sa kuwarto ko at magkatabi kaming sa makitid na kama ko. Nasa gitna namin ang isang mahabang unan. "Hindi lang ako makapaniwala na katabi kita sa iisang higaan ngayon. Alam mo ba na gustong-gusto ko na kasama kita. Pinapagaan mo ang loob ko at palagi akong masaya." Tumingin ako sa kisame. "Naiinggit ako sa iyo no'n dahil mayaman ka. Puno ng pagkain ang refrigerator ninyo at marami kayong chocolates. Maganda ang damit mo at palaging bago ang sapatos. Pero ngayon... mas masuwerte pala ako sa inyo dahil masaya ako kung ano ang mayroon ako. Nakakain ako ng masarap kapag bagong suweldo si Nanay. May bago akong damit tuwing birthday ko. Marami tayong pagkakaiba, King. Ang buhay mo... malayo sa buhay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD