Vincent's PoV Kasama ko ngayon si Stacey dito sa café nila Yen. Dinala ko siya rito dahil naging histerikal siya kagabi. Alam ni Carl at Justine na kasama ko siya. Nakahiga si Stacey at tulog na tulog sa may sofa. Madaling araw na siyang nakatulog dahil sa kakaiyak. "Kumusta ang kaibigan mo?" mahinang tanong sa akin ni Yen. "Magwawala ulit iyan kapag nagising at hahanapin na naman niya si King." Humila ako ng silya at saka umupo. Inilapag ni Yen ang coffee sa lamesa bago umupo sa harapan ko. "Ano ba ang nangyari kay King?" Humigop ako ng mainit na kape bago sumagot. "As usual. Bumalik na sa dati ang lahat." "Kaya ka din ba nandito dahil bumalik na sa dati ang lahat? Hindi ka naman namamasyal dito sa café ko. Don't tell me na sa kabila ng lahat si King pa rin ang pinili ni Max?" "A