King's PoV Napapanood ko mula sa CCTV ang pagkainis ni Max dahil sa pantri-trip ko sa kaniya. Naaaliw ako habang pinapanuod ko siya sa may laptop ko. Nakikita ko kasi ang emosyon niya tuwing mababasa ang mga sticky notes na nakikita nito. Gusto ko lang subukin ang pasensiya ni Max kung talaga bang makakatagal siya sa loob ng pamamahay ko. Nandito ako sa loob ng kotse ko dahil hindi naman talaga ako umalis. Ang mga katulong ko lang ang binigyan ko ng leave para magawa ko kay Max ang gusto kong gawin. Lahat talaga gagawin nito para kay Vincent. At titignan ko kung hanggang saan ang kaya ni Max para sa lalaking mahal niya. Nakaupo na si Max sa mag hagdan at hindi na ito kumikilos doon. Mayamaya pa ay bigla na lang itong natumba. Ini-off ko ang laptop ko at pumasok na sa loob ng bahay k