Akala ko ay nagbibiro lamang si Beatrice nang sinabi niyang gusto niyang makipagkaibigan sa akin, but it seems like she's dead serious. Ilang araw na matapos niyang sabihin sa akin 'yon at madalas siyang nagti-text sa akin para magtanong kung kailan ako libre dahil gusto niya akong makasamang lumabas. Hindi naman sa ayaw ko siyang maging kaibigan, pero hindi ko lang talaga ramdam. Ang weird kasi ng feeling na may hidwaan kami ilang araw lang ang nakakalipas tapos biglang ganito? Kaya nagdesisyon akong huwag na lang pansinin ang mga text niya. Gusto kong siya mismo ang makaisip na ayaw ko sa kanya; na hindi kami pwedeng maging magkaibigan. Hindi ako ganoong klase ng tao na nakakalimutan agad ang ginawa sa akin. She did some horrible things to me and I couldn't just let it slide. At isa pa