ERL'S POV "Ano ba naman Erl, lagi nalang bang ganito? Kailan ka ba magbabago ha?!" bulyaw sa akin ni papa pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng bahay, alangan namang sa labas kami papasok 'diba? Kita mo talaga ang galit sa ekspresyon niya, para siyang isang galit na toro. Well I can't blame him. Eh paano ba naman kasi, pinatawag na naman ang papa ko dahil sa ginawa kong katarantaduhan sa school. Kung nagtatanong kayo kung anong ginawa ko, hayaan niyong e-kwento ko sa inyo ang walang kakwenta-kwentang nangyari kanina. Habang naglalakad ako papunta sa canteen upang kumain, alangan namang magbawas 'di ba? Napansin kong may sumusunod sa akin, nung una hindi ko lang pinansin baka nagkataon lang na pareho ang daang tinatahak namin. Ayoko kasing magpadalos-dalos. Pero nang matapos na akon