Marangya at malaya—iyan ang naging buhay ni Agatha sa mga nagdaang taon. Party rito, party roon; travel dito, travel doon, at higit sa lahat ay shopping dito, shopping doon. Lahat ng gusto niyang gawin ay nagagawa niya, at lahat ng gusto niyang bilhin ay nabibili niya dahil sa yaman ng kanyang pamilya. She's enjoying her luxurious life to the fullest. Ngunit isang araw ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa amang si Amorsolo Consunji at pinapauwi siya sa Pilipinas, at kung hindi siya uuwi ay mapipilitan silang i-freeze ang bank accounts niya at tanggalan siya ng mana. Kaya heto siya ngayon, nakaluhod sa harap ng mga magulang at kulang na lang ay halikan niya ang mga paa nito. "Dad, huwag namang ganito. I didn't do anything wrong," pagtatanggol niya sa sarili bago tiningnan ang inang si Ce