Nakatitig lang ako sa salamin; pinagmamasdan ang suot kong bestida na ipinadala ni Sir Max sa akin. He wanted me to wear it on our first date later. Hindi pa rin mag-sink in sa akin na biglang naging ganito ang takbo ng tadhana. Hindi ko in-expect na susugal talaga ako sa kanya. It’s been three days since I said yes to his offer at hanggang ngayon ay pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili ko na tama ang desisyon na ginawa ko. Pilit kong kino-comfort ang sarili ko na magiging maayos din ang lahat kahit na mataas ang tiyansa na hindi. Sir Max still loves my sister. At alam kong ginagamit niya lang ako para kahit papaano ay maituon niya sa iba ang atensyon niya and eventually help him move on from her. Stepping stone niya lang ako para makalimot sa pagmamahal niya sa ate ko o pwede ring na