Mabilis na lumipas ang mga araw. At sa bawat araw na dumaraan ay bumibilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba at pangamba. I couldn't stop thinking of the day where Sull and I will announce our relationship. Hindi ko mapigilang mag-isip kung ano ang magiging reaksyon nila, lalo na ng mga kaibigan ko. Sana lang ay hindi sila magalit sa akin dahil inilihim ko sa kanila ang relasyon namin ni Sull; na sana maintindihan nila ang rason ko. "Everyone, please get on the bus. Aalis na tayo a few minutes from now," anunsiyo ng organizer ng team building. Nagpalinga-linga ako para hanapin si Sull dahil hindi ko pa siya nakikita mula nang makarating ako rito. Dalawang linggo na kaming hindi nagkakasama sa opisina dahil sa bwisit na babaeng espasol na 'yon. Lately, enjoy na enjoy siya sa pang-aalil