I waited for him to come back, to come and see me again and talk about what happened between us, pero hindi na siya bumalik. Inabot na lang ako ng antok pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Hindi ko mapigilang mapaisip kung ano ang nararamdaman niya ngayon; kung ano ang tingin niya sa akin. I think I messed up. Feeling ko sinira ko ang relasyon naming dalawa—ang nabuong koneksyon sa pagitan naming dalawa sa loob ng mga araw na magkasama kami. Nakagat ko ang labi ko bago ako marahas na napabuga ng hangin. Hindi ko napigilang maiyak dahil sa prustrasyong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin bukas; kung paano ko pa siya pakikitunguhan pagkatapos ng lahat. Sigurado akong nainis siya sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya na siya ang first time ko. Sigurado akong la