Ilang araw ding hindi kompleto ang araw ko dahil wala si Sir Max. Umalis na kasi siya para magbakasyon. Hindi ko rin naman matanong si ate dahil wala akong maisip na idadahilan ko kung sakali mang magtanong siya kung bakit ko naitanong. "Okay ka lang, Maya?" tanong sa akin ni Sir Brent. Nasa counter siya at may ginagawa sa laptop niya. "You seem to be a little bit down for the last three days," punto niya bago tumingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Opo naman, sir," sagot ko sa kanya saka ngumiti. "Medyo pagod lang dahil maraming inaasikaso sa school for graduation," palusot ko, kahit ang totoo ay medyo nawalan lang ako ng motivation na magtrabaho dahil hindi ko nakikita si Sir Max. "Kailan ba graduation n'yo?" tanong niya sa akin. Ngumisi ako sa kanya. "Next month pa po