Georgina's Point of View It took me a while to realize what I just told him; what I just made him feel. And in an instant, I felt a surge or regret all over my body. Napatingin ako sa kanya. Naikuyom ko ang kamay ko. Gusto ko siyang lapitan at hawakan, pero may kung anong pumipigil sa akin, probably guilt. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang malungkot niyang mga mata. Bakas ang pighati sa kanyang mukha kaya mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Napailing ako at nasabunutan na lang ang sarili ko bago napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gulong-gulo na ako. "Tell me, love, gano'n ba ang nararamdaman mo? All this time, were you questioning my sincerity?" mahina niyang tanong bago siya umupo sa harapan ko. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko at inangat