END

2608 Words
NAKAPANGALUMBABA SI Kelly sa kinauupuang bench sa covered gym na iyon ng Calle Pogi habang pinagmamasdan ang mga aktibidades ng mga residente ng kanilang barangay.  May kanya-kanyang sports na itinuturo ng libre doon para sa mga bata tulad ng basketball, table tennis, badminton at taekwondo.  And speaking of taekwondo, mula sa kinaroroonan niya kasama ng mga yaya, nanay, tatay, lolo at lola na nagbabantay sa mga bata, kitang-kita niya ang masayang pagtuturo ni Buwi ng martial arts sa mga estudyante nito. Oo, ito lang ang masaya.  Samantalang siya, heto at nagmumukmok dahil kagabi pa niya inaasahang magkakausap sila nito pagkatapos ng eksenang iyon sa coffeeshop sa Vaizard.  Gustung-gusto na nga niya itong tiradurin kung meron lang siyang tirador nang mga sandaling iyon.  Kung hindi lang niya ito mahal talaga, baka isipin na lang niyang nagloloko lang ito sa kanya nang sabihin nito ang mga salitang iyon kahapon.  Pagkatapos ay nariyan pa ang mga props nitong bulaklak.   O, sino ba namang Eba ang hindi mangangarap ng magandang kinabukasan nga ganon? “You look like you’re ready to shoot Buwi anytime.”  Si Jazzy ang nalingunan niya sa kanyang tabi na nagsalita.  She had her body leaned back lazily against the bench behind them.  “Sayang hindi ko dala ang b***l ko.  Pinagbawalan kasi ako ni Kuya Buchou na magbitbit kapag pupunta ako rito.” Nakita niyang nakikipag-usap na ngayon sa iba pang kaibigan si Buwi.  “I’m not gonna shoot him.  That would be too lenient.” “You know, inakala ko rin noong una na kayo ni Buwi ang magkakatuluyan.  I mean, you both like each other.”  Sinulyapan siya nito.  “And you’re inlove with him.” “Paanong…” “Easy.  One just have to look at you when Buwi’s around.  You’re too transparent, girl.” “Am I?”  Tumango ito.  Sumimangot naman siya.  “Kung ganon bakit wala pa ring sinasabi sa akin ang kulugong Buwi na iyon?  Kung tutuusin, hindi na magiging mahirap ang lahat sa kanya.  Ang kailangan na lang niyang gawin ay kumprontahin ako para ikumpirma ang mga iyon.” “Unless he doesn’t feel the same way as you do.”  Ngumisi lang ito sa kanya.  “Of course I was just kidding.  Cheer up.  Since nandito na si Buwi, bakit hindi na lang ikaw ang maunang lumapit para kumprontahin siya?  Kung maghihintay ka lang kasi rito, baka abutin ka na naman ng magdamag sa kakahintay.” “How the hell did you know all that?” “Eyebags, girl.  Hindi ka ba tumitingin sa salamin?” Napahawak siya sa kanyang pisngi.  Goodness, papangit na lang pala siya nang dahil lang sa kakaisip at kakahintay sa Buwi na iyon.  Hindi siya papayag!  Binalingan uli niya ang kinaroroonan ni Buwi.  Katatapos lang nitong i-dismiss ang klase nito para kumain ng miryendang dala ni Sage at ng mga tauhan nito sa Sweet Sage.  Ganon din ang iba pang klase roon.  Nagtakbuhan agad ang mga bata sa mahabang mesa na kinaroroonan ng mga miryenda.   Ito na ang pagkakataon niyang lapitan si Buwi. “Alam mo,” wika ni Jazzy.  “Hindi ako naniniwalang ganyan kabait ang Sage na iyan.” And she was probably right.  Nakita niyang nagtanggal ito ng mga papel na nakaipit sa clipboard niya si Sage at isa-isa iyong ibinigay sa mga kaibigan nito.   “Isang buwan ninyong bill iyan para sa mga nakuha ng mga inaanak ninyo sa bakeshop.  Binawasan ko na iyan ng five percent dahil sa pagtaas ng piso.  Isinama ko na rin diyan ang mga dinala naming pagkain dito ngayon.”  Inayos nito ang eyeglasses nito.  “If you have problems, you can ask my calculator.” Kung ganon, lahat ng libreng tsokolate at kung ano-ano pang pagkain na pinagtuturo ng mga bata sa bakeshop nito ay nakalista sa pangalan ng mga ninong ng mga ito. “By the way, Buchou,” baling ni Sage sa kanilang barangay captain na tatlong patong na yata ang kunot sa noo habang tinitingnan ang listahan nito.  “Ten percent ang idinagdag ko sa bawat order ng kapatid mo sa Sweet Sage.” “What?!” “Lagi siyang may reklamo sa lahat ng products namin.”  Ang ngiti ni Sage ay ngiti na ng isang napakatusong lobo.  “Ten percent ang equivalent ng bawat isang reklamo ng mga hindi taga-Calle Pogi.” Lumingon sa kanila si Buchou.  “Kim Jaze!” Pagbaling niya kay Jazzy ay wala na ito sa kanyang tabi.  Nakaalis na pala ito nang hindi niya napapansin. “Ryu—“patuloy ni Sage.   “Wala akong utang sa iyo.” “Alam ko.  Gusto lang kitang pasalamatan.  Bibigyan na kita ng discount card after four years.” “You’re so thoughtful, Sage,” sarkastikong wika ni Ryu “Paano ka ba naming naging kaibigan,” reklamo ni Matt na kakamot-kamot na lang ng ulo habang sinisipat ang hawak nitong papel.  “Kami lang yata ang bumubuhay sa bakeshop mo.” “Hindi kayo.  Ang mga inaanak ninyo.”  Sage adujsted his eyeglasses as he turned back Buwi.  “By the way, dinala ko na rito ang cake ipinagawa mo sa amin.  I just thought you won’t get your butt moving unless someone gives you a little push.  Isa pa, ayokong nababalewala ang mga produkto ng Sweet Sage kaya kung ako sa iyo, ibigay mo na sa pagbibigyan mo ang cake na iyon.” “Sage, you don’t—“ “Kelly’s here.  And everyone’s here.  So why not just spill it out already?  Para mapatapos na ang drama ninyong dalawa.”  Bumaling sa kanya si Sage.  “Halika na muna rito, Kelly.  May sasabihin lang sandali si Buwi.  But before that, puwede bang pakitikman na muna ang ginawa naming cake para sa iyo?  Tell me what you think of the flavor.” Nasipa na marahil ni Buwi ang nakatalikod na si Sage kung hindi lang ito napigilan nina Waki at Lian.  Dumako naman ang direksyon ng mga mata niya sa mga alalay nitong may dalang cake na may design ng puso at naroon nakasulat ang pangalan niya.   “Aba, mukhang may magkakatapatan na ngayon dito, ah,” komento ng isa sa mga residente roon.  “Masaya ito.” “Matagal ng may gusto sa iyo si Buwi, Kelly.  May pagka-ungas lang itong kumpadre namin dahil ang dami pang nalalamang preparations daw.” “Ilang buwan na ang ginagawa niyang preparations,” singit ni Matt.  “Hanggang ngayon nagpi-prepare pa rin siya.  Hindi ko akalain na sa kabila ng mga  energy drinks na inireseta ko sa kanya, hindi pa rin niya magawang magtapat sa iyo.” “Hoy!” sigaw ni Buwi.  “Kayong mga ungas, huwag ninyong sirain ang diskarte ko!” “Ang bagal mo naman kasi,” wika ni Lian.  “Nakakahiya ka sa mga kumpadre natin dito sa Calle Pogi.” “Oo na, oo na,” sansala ni Buwi.  “Alam ko na.  Puwede na ninyo akong bitiwan.  Mga hinayupak kayo.  Panira talaga kayo sa gimik ko.” Halos mabingi na siya sa lakas ng t***k ng kanyang puso dahil sa mga narinig na iyon.  Lalo na nang lumapit sa kanya si Buwi ngunit nanatili lamang ito sa paanan ng mga benches kaya nakatingala ito sa kanya. “Mahal kita, Kelly.  Matagal na.  Sa sobrang tagal, hindi na nga matandaan kung kailan iyon nagsimula.  Gusto ko sanang manligaw noon pa man, ang kaso lagi akong nauunahan ng kaba.  Kaya nang magka-boyfriend ka, nakuntento na lang ako sa pagtingin sa iyo mula sa malayo.” Mahal siya nito?  Noon pa man?  “Nang mag-break kami ni Nelson, bakit hindi ka pa rin kumilos?  Am I not that worth your time?” “Of course not!” agad nitong tutol.  “Kaya lang kasi, talagang pagdating sa iyo, hindi ko maiwasang hindi kabahan.  Lalo na at sa tuwing makikita mo ako pagkatapos ng breakup mo kay Nelson, lagi na lang parang gusto mo akong tirisin.  Hindi ako makadiskarte dahil bukod sa takot kong ma-reject, ayoko ring masaktan.  Lalo na ng taong mahal ko.” “Kung ganon ano ang ibig sabihin ng mga pagpapa-cute mo sa akin nitong mga nakaraang araw?” He smiled sheepishly.  “That’s just it.  Nagpapa-cute ako.  Just like I was secretly trying to impress you everytime I get the chance.  Alam kong lagi mo akong sinisilip sa bintana ng kuwarto mo.  Kaya lagi kong tinitiyempong maglinis ng kotse o magdilig ng mga halaman ng walang pang-itaas sa tuwing naroon ka sa bintana.  And those women?  Nilalapitan ko lang sila para…magpapansin pa rin.” Tumayo na siya at nagpamaywang.  She looked down on him with all the toughness she could muster.  Pero walang silbi.  Dahil nagpipiyesta na ang kanyang puso.  Sa mga narinig niyang sinabi nito, nabura na rin ang lahat ng pagtatampo niya rito mula pa kahapon.   “I was trying my best to make you notice,” patuloy nito.  “Hanggang sa napansin ko na lang na wala na akong ginawa kundi ang magpapansin.  Kaya nang maisipan ko ng magtapat, naubusan na ako ng diskarte dahil iba na ang pagkakakilala mo sa akin.  Because I’m stuck in pretending to be someone else.  Someone who’s cool and easygoing.  Which I’m not.” “So, kung hindi ka pa pinangunahan ng mga kaibigan mo ngayon, hindi ka pa rin magsasalita dahil natatakot ka pa ring ma-reject?” Napakamot na lang ito ng ulo.  “When it comes to you, ayoko man lang isipin na hindi mo ako magugustuhan.  Lalo pa nga at naranasan ko ng masaktan nang malaman kong nagka-boyfriend ka na noon.  Sige na, aaminin ko na.  Duwag talaga ako.  Pero anong magagawa ko?  Mahal talaga kita, eh.  Hawak mo ang puso ko.  Nasa iyo ang kaligayahan ko.  Sinong tigasin ang hindi matatakot ng ganon?  Minsan na akong nasaktan nang dahil sa iyo kahit hindi mo naman iyon sinasadya.  Kaya naging masyado na akong maingat sa pagpapahayag ng damdamin ko.  There were times that I almost gave up my feelings on you.  Pero sa tuwing nakikita naman kita, nababalewala ang agenda kong iyon.” Napansin niyang napapatango na lang ang mga kaibigan nito.  Mukhang alam ng mga ito ang lahat ng mga pinagdaanang dilemma ni Buwi sa kanya.  Naglakad siya patungo sa binata hanggang sa nakatayo na siya sa harap nito. “Kung ganon, ano ang ibig sabihin ng mga ginawa mong pakikipaglapit sa akin nitong mga nakaraang araw?  Hindi ka naman mukhang takot nun, ah.  Nakakailang nakaw na halik ka pa nga sa akin.” Umugong ang tuksuhan sa loob ng covered gym.  Sa pangunguna ng mga kaibigan nito.   “Kumpadre, nakahalik ka na?  Sumobra naman yata ang tapang mo, ah.” “Ako, hindi ko kayang gawin iyon.” “Idol!  Wuuu!” “Shing!  Shing!” Hindi ito pinansin ni Buwi.  “Kinapalan ko na ang mukha ko talaga at naglakas loob na akong lumapit sa iyo.  Sa isip ko, alam kong kailangan ko ng gumawa ng paraan na malaman mong nag-e-exist ako.  Or else, may iba na namang makakakuha sa puso mo.  Hindi na ako papayag nun.” “E, bakit hindi mo ako kinausap kahapon pagkatapos mong sabihin na liligawan mo ako?” “I was preparing a grand confession for today.  Inunahan lang ako ng mga ungas nating kapitbahay.” Wala siyang mapansin ni katiting na takot o kaba rito.  Gusto na tuloy niyang magduda sa mga pinagsasasabi nito.  Pero may isa pa naman siyang paraan para malaman ang mga sinasabi nito.  Inilapat niya ang isang palad niya sa dibdib nito, sa tapat ng puso.  And there it was.  Tila drum na dumagundong ang lakas ng t***k ng puso nito.  Napatingala siya sa guwapo nitong mukha.  And for the first time since they knew each other, he had let her see what he really feels through his eyes. Mahal nga siya nito! “Sira ulo ka talaga, ano?” aniya.  “Magsasalita ka lang naman, hindi mo pa magawa.  O kung kailangan mo ng katulong, nariyan ang cellphone at text message.  Ang email, ang snail mail, love letters, cards, anonymous phone call.  Ang daming paraan na puwede mong masabi sa akin ang nararamdaman mo.” “Nariyan din ang cake ng Sweet Sage na ilang linggo kong pinaghandaan.  Still it wasn’t enough to cover my fears of losing you forever.”   “Losing me?  Paano akong mawawala sa iyo kung hindi mo naman ako pinaghirapang makuha?  You’re the biggest fool I’ve ever met!” “I know.  and I was still trying to hide my feelings.”  Hinawakan nito ang kamay niyang nakalapat sa dibdib nito.  “But you walked up to me, and found where my heart was hiding.  That was something I never thought you would ever do.” “Actually, I was thinking of shooting you with a sling a while ago,” wika niya na hindi na mapigilan ang mapangiti.  “And then maybe I could propose to you afterwards.  Para hindi ka na makaiwas at magkaroon na ako ng pagkakataong makapagtapat kung sakaling hindi ka pa rin magsasalita.” Saglit itong natigilan.  “Mag…tatapat ka?  Sa akin?” “Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang magmahal dito?  Kasalanan mo iyon, ‘no?  You made me fall inlove with you.  Ako naman, siyempre walang magawa sa buhay, kaya hayun, kahit ayoko e minahal na rin kita.” Walang magawa sa buhay at lihim na nangangarap ng may mag-aalaga sa sugatan niyang puso.  That was her when he finally introduced his existence to her.  And she was more than happy that he did.   “Kahit hindi ka naman nagsasalita, nararamdaman ko ang pagmamahal mo.  Hindi ko nga lang iyon mabigyan ng pangalan dahil hindi ko rin sigurado.  But when you cared for me the whole night when I got injured, I just knew I was somehow special to you.  Idagdag pa ‘yung drama mo nung makita mo kaming magkasama ni Nelson.  Mega-react ka nun.”  Ikinawit niya ang isang braso niya sa leeg nito at inilapit pa nang husto ang katawan niya rito.  “HIgit sa lahat, dahil sa mga mumunting bagay ay ipinapakita at ipinapadama mo sa akin ang pagmamahal mo.  Thank you for loving me dearly, Buwi.” Sa wakas ay tila nalusaw na ang anomang alinlangan nito.  With a smile on his face, he wrapped his arms around her. “Thank you for letting me love you dearly, Kelly.  ‘Yung tungkol nga pala sa pagtatago ko sa pagiging member ko ng S.T.A.R.S.—“ “Hayaan mo na iyon.  Huwag mo na lang ikuwento sa akin at nang hindi na rin ako mag-aalala.  Basta ingatan mo lang lagi ang sarili mo.  Kung hindi, lagot ka sa akin.” “Yes, Mam.” They seal their chaotic promise of love with the most wonderful kiss she had ever tasted.  Na agad din namang naputol nang maalala niyang marami nga palang nanonood sa kanila.  At may mga bata pa!  Hindi naman pumayag si Buwi na lumayo siya kaya nanatiling nakapulupot sa beywang niya ang mga braso nito nang harapin ang mga taong nakangiti at nakangisi lang sa kanila. “Thanks, folks!  And, kids…”  wika nito sa mga walang kamuwang-muwang na mga bata. “Don’t try this at home, okay?” “Okay!” Iyon lang at muli siyang hinarap ni Buwi at siniil ng halik ang kanyang mga labi.  Ah, well.  Things like these should just end with a kiss.  Perfect. THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD