"Rocelyn! Bilisan mo sa pagbihis baka mahuli tayo sa salo-salu ng mga Salazar! Baka hinahanap na tayo roon!" sigaw ni Mama sa akin mula sa labas ng silid tulugan naming magkakapatid. Tanging kurtina lang ang nagsisilbing pantakip sa pintuan.
Nakita ko naman ang pigura ni Mama sa labas na nakatayo. Nakapamewang sa likod ng kurtina.
"Opo, Ma... Nandiyan na po ako. Nilagay ko lang ang sinturon ko," magalang kong tugon saka ko pina-ikot sa aking bewang ang itim na sinturon na may kalumaan na.
"O siya! Sa labas lang kami maghihintay ng mga kapatid mo."
"Sige, Ma. Tapusin ko lang ang pag-aayos." Nang matapos sa sinturon sinuklay ko naman ang buhok ko nang mabilis, habang kaharap ang salamin na may basag pa sa gitna kaya hirap akong tingnan ang pagmumukha roon.
"Huwag ka ng masiyadong mag-ayos. Sino ba ang pagandahin mo roon? Hindi ka rin naman papansinin ng mga anak ni Martin."
Natigil ako sa pagsusuklay. Suminghap sa kawalan. Kahit hindi ako nakikita ni Mama rito sa kuwarto hindi ko mapigilang mamula nang wala sa oras. Biglang nanliit sa sarili.
"Ma? Hindi naman ako magpapansin roon. Masama bang mag-ayos at magmukhang malinis? Mayayamang tao ang haharapin natin. Mas maigi ng presentableng haharap sa mga Salazar. Kayo talaga..." natatawa kong sabi sa pagkat mahilig manguna si Mama ng mga pangyayari kahit wala namang katuturan.
"Kung sa bagay anak. Pero huwag ka na lang aasa na may papansin sa atin doon. Ka-uuwi lang sa Manila ng mga anak ni Martin at Grace dapat kang maging pormal. Magtino ka lang dapat sa isang tabi. Nakakahiya ang pamumuhay natin, Rocelyn. Baka ano pang sabihin ng pamilyang Salazar sa atin. Pupunta lang tayo sa kanila para makikain dahil wala tayong bigas sa bahay. Mabuti na lang may salo-salu ngayon, sumakto," litanya ni Mama saka ko narinig ang mga yapak niya pa labas ng bahay.
Napa-iling na lang ako ng ulo. Naka-ilang paghinga ako ng malalim habang pilit na nginitian ang sarili sa babasaging salamin. Namumutla ang labi ko dahil sa kaba.
Alam ko namang hindi ako papansinin ng mga anak ng Salazar, dahil sino lang ba ako? Sino lang ba ang pamilya namin? Isa lang kaming hamak na trabahador sa kanilang Hacienda.
Hindi ko pa rin maitago ang totoo kong naramdaman. Kinakabahan pa rin ako dahil makikita ko na ang pinaka nakakatandang anak nila na ngayon ang uwi na sa pagkakaalam ko, Austine ang pangalan.
Hindi na ako makapaghintay na makapunta sa salu-salo sa malaking bahay ng mga Salazar. Sila ang pinaka-mayamang Haciendero dito sa probinsiya. Sila rin ang halos nagmamay-ari ng mga lupain. Sa sobrang yaman nila marami ang humahanga sa kanila, isa na ako roon na nangangarap na sana balang araw magiging marangya rin ang buhay namin. Kagaya nila, magkakaroon ng malaking negosyo sa bansa.
Kilala rin ang pamilya nila sa lahat, lalo na ang mga anak nito na sa picture frame ko lang nakikita dahil nag-aaral ito sa Manila. Usap-usapan ang pag-uwi ng apat na anak ng mga Salazar para dalawin ang kanilang magulang na nandito sa probinsiya nanirahan.
Ngayon ang araw na paghihintay ko na makita ang mga anak nila sa personal kaya magkakaroon ng salu-salo ngayong araw, at imbitado ang buong sitio namin pati na rin ang lahat ng trabahador nila sa planta.
Ang guwapo at magaganda ang anak nila Ma'am Grace at sir Martin kaya maraming gustong makita sila. Doon na kasi sila lumaki sa Manila, at ngayon lang ito nakapunta rito sa kanilang Hacienda sa probinsiya. Kahit sino naman siguro, ma-e-excite kung makakita ka ng mga taga-siyudad na dumayo rito sa probinsiya.
"Kailangan mong maging pormal na babae sa harapan ng anak ng boss mo, Celyn... Kailangan mong gumising sa imahinasyon. Kahit kailan hindi ka pagtuonan ng pansin sa anak ng mayamang pamilya na iyon. Tama ang ina mo, malabong mangyari," paalala ko sa aking sarili sabay hinga ng malalim.
Tinali ko ang lahat ng buhok saka ako lumabas ng bahay namin. Naghihintay na sa akin si mama at ang anim kong mga kapatid na suot ang kanilang pambahay lang na damit. Ako lang yata ang naka-ayos ngayon dahil suot ko ang aking faded blue jeans at isang green na damit na naka-tuck-in pa sa aking bewang.
"Ayos na ayos ka yata anak? Sa unahan lang naman ang punta natin?" tanong ni Mama. Sinuyod ang kabuuan ko. Hindi naman mapangmataas ang kanyang tinig pero mukhang naninibago yata. Ngayon lang kasi ako nag-aayos sa sarili ko.
"Simpleng suot lang po ito, Ma. Tara na po," pag-iba ko sa usapan sabay hawak ko sa maliit kong kapatid para alalayan ito sa paglalakad.
"O siya... Nandoon na raw ang ama mo sa bahay ng mga Salazar. Nangunguna na yata sa inuman," pa-iling-iling na sabi ni Mama.
Malakas na lang akong nagpakawala ng hininga. Ano pa bang bago kay papa. Palagi naman talaga iyong umiinom. Hindi iyon mawawala sa tuwing may salo-salu. Minsan nakalimutan nang may anak siyang naghihintay sa kanya.
Nilakad lang namin ng kalahating oras ang Hacienda ng mga Salazar. Hapon pa naman iyon, kaya nakikita pa namin ang daan patungo sa salo-salu. Nakasuot lang ako ng tsinelas sa pagkat wala naman akong sandal na maisusuot. At isa pa mahirap maglalakad pag nakasuot ng magagarang sapin sa paa, mas mabuti nang naka tsinelas na lang. Kahit alam kong hindi bumagay sa suot kong jeans.
"Kakain kami ng masarap! Yehey! Kakain ulit kami ng masasarap!" sabi ni Letlet ang pinaka-bunsong kapatid naming babae. Lumundag-lundag pa.
"Marami daw pagkain doon, Letlet," sabi naman ng sumunod na babae na si Monica. Nagtatalon rin ito habang naglalakad.
Hawak ko silang dalawa sa magkabilang kamay. Nasa 5 years old si Letlet at isang 6 years old naman si Monica. Si mama naman bitbit niya ang maliit naming kapatid na anim na buwan pa lang.
Naka sunod naman sa akin ang tatlo ko ring kapatid na puro babae na nasa ten years old, saka kinse at katorse. Halos konti lang ang agwat ng edad ng mga kapatid ko...Ako naman nasa bente uno anyos na kaya ako ang nakakatanda sa amin. Ako na rin ang tumutulong kay Mama at Papa sa sakahan. At nagtatrabaho na rin ng iba pang mga trabaho sa Hacienda ng mga Salazar. Isa ako sa katiwala nila roon. Pito kaming lahat at puro babae lang kami.
"Huwag kayong malikot pagdating natin roon. Nakakahiya sa pamilya nila Martin at Grace. Magmano kayo dapat kapag lalapitan nila tayo," paalala ni Mama sa amin na agad lang naming tinanguan.
Nang matanaw na namin ang malaking hacienda ng mga Salazar. Mas umusbong ang kaba ko. Pagpasok pa lang namin sa malaking gate nila nakikita ko na ang kanilang mga bisita na nagkakasiyahan sa harapan ng kanilang bahay. Mga kakilala lang namin ni mama ang iilang nandoon. Meroon ding mga mayayaman na dumalo na sa ibang lungsod pa nanggaling.
Nag-iinuman na rin ang mga bisita kahit hindi pa naman nagsisimula ang salo-salu. Maraming mga pagkain na nakahilera sa puting lamesa na nasa sulok. May anim na lechon at mga pagkain na nakatakip sa stainless na lalagyan.
Hindi ko maiwasang humanga sa malaking bahay ng mga Salazar na hanggang 3rd floor ang papag. Sa tabi ng kanilang malaking bahay ang kalumaang bahay na noon ay tinitirhan nila ni Ma'am Grace na pagmamay-ari ng kanyang ama na si Don Mathias, pero ngayon ginawa nang guess house dahil nagpatayo sila ng panibagong bahay nila, mas malaki at mas maganda. Na kasalukuyan rin nilang tinitirhan rito sa Hacienda. May terrace pa sa pangatlong palapag kung saan nakikita lang kami rito sa ibaba, walang tao roon pero bukas ang sliding glass door at maliwanag sa kuwartong iyon.
"Nandito na pala ang asawa ko!" anunsiyo ni Papa Romulo sa mga ka inuman niya nang makalapit kami sa kanyang lamesa. Hindi na ito nagkamuwang-muwang sa pag-iinom.
"Nag-iinum ka na naman, Jusko! Hirap na hirap akong dalhin ang mga anak natin papunta rito. Tapos, Ikaw nangunguna ka agad sa bahay ng mga Salazar para mag-inom? Hindi ka na ba nahiya?" pa iling-iling na sermon ni Mama.
Pinakinggan ko na lang silang dalawa habang pinapaupo ko sa upuan ang mga kapatid ko. Nasa ibang lamesa kami umupo. Hindi na ako humalo sa kanila ni papa.
Sa gitna namin ay isang round table. Nakangiti naman ang mga kapatid ko habang nagtitingin-tingin sa paligid. Hindi magkamuwang-muwang ang kasiyahan nila dahil sa tuwing may salo-salu sa pamilyang Salazar alam nilang mabubusog talaga sila ngayon at makakain ng masasarap na pagkain na hindi pa namin natitikman kailan man.
Hindi mawala ang mga tingin ng mga kapatid ko sa pagkain na nasa sulok nakahilera. Mukhang gutom na sila. Gutom na rin ako dahil kaninang tanghali pa kaming walang kain sa bahay. Hinihintay namin si papa na umuwi nagbabakasaling may dalang pagkain pero sa kasamang palad nabalitaan namin na nandito na nga siya sa salo-salu.
Umupo na rin ako sa upuan habang pinagmasdan ang mga tao na nandito. Maraming lamesa at upuan sa labas ng bahay, kanya-kanya na silang upo. May iilang bumabati sa akin dahil kilala ko sila sa pagsasaka. Sila ang mga kasama ko na mga trabahador. Tinangunan ko lang at nginitian.
Nilibot ko muli ang tingin, hinahanap ang mag-asawang Salazar dahil sa daming taong nandito sa labas ng kanilang bahay hindi ko sila namataan noong dumating kami.
"Huy! Celyn!"
Napalingon ako sa babaeng kadarating lang kasama ang pamilya niya rin. Ngumiti ako at kinawayan ang kaibigan ko.
"Anjanett ikaw pala. Umupo ka rito!" paanyaya ko saka ako kumuha ng isang upuan para makatabi ko siya sa pag-upo na agad naman niyang tinugunan.
Kanina pa ako na boring habang pinagmasdan ang grupo ni Marina na anak ng Kapitana rito sa probinsiya, isa rin sila sa imbitado sa salu-salo. Kasama niya ang mga kaibigan niya na yayamanin rin na taga ibang lungsod nanirahan dumayo lang talaga rito para makita rin ang anak ng Salazar na galing Manila.
Kanina ko pa sila naririnig na panay usap sa mga lalaking anak ng Salazar, Ani nila'y nakita na raw ni Marina ang anak ni Ma'am Grace at sir Martin doon sa Manila at ang guwapo nga raw. Ang sabi pa ni Marina for sure papansinin siya dahil mayaman ang pamilya niya at magkaibigan ang pamilyang Salazar at ang daddy niya.
"Naku! Nauna ka pala dito! Excited ka rin bang makita ang mga anak ni Ma'am Grace at Sir Martin?" may panunuyang tanong ng kaibigan ko sabay tulak sa balikat ko. Nakuha niya tuloy ang atensyon ko.
Kumunot lang ang aking noo sabay iling. Uminom ako ng tubig para mawala na sa pandinig ko ang atensyon doon kay Marina na halatang nagpapaganda talaga para sa pagdating ng mga Salazar. Nanliit naman ako sa tsinelas kong suot habang siya naka heels pa talaga. Magagara rin ang suot, hindi katulad ko na simpleng t-shirt at jeans lang.
"Maaga kami rito dahil nandito si papa nag-iinum... Hindi ako pumunta para makita ang anak ni Ma'am Grace at sir Martin," pagtanggi ko kahit ang totoo ay excited na rin talaga akong makita ang mga anak nila lalo na ang nakakatandang anak ng mga Salazar na si Austine.
Siya kasi ang panay bukambibig ni Marina na sobrang guwapo nga raw nito sa personal at ang puti-puti. Mas na kuryuso tuloy ako sa mukha nito lalo na't sa litrato ko lang talaga nakita si Austine.
"Ay sus! Deny ka pa riyan. Alam ko namang matagal mo ng hangad na makita ang anak ng mga Salazar... Palagi mo ngang pinagnanasaan ang nakakatandang anak nila sa litrato... Puwes! Ngayon makikita mo na," hagikgik niya na agad kong kinurot sa tagilirin at pinandilatan ng mata.
"Tumahimik ka nga! Baka may makarinig sa'yo rito. Nakakahiya!" bulong ko na tinawanan lang ni Anjanett.
Mabuti na lang sila Marina busy pa rin sa kanilang usapan. Nagtatawanan din sila sa katapat ko lang na lamesa.
"Totoo naman talaga... May gusto ka na sa nakakatandang anak—"
"Anjanett... Tumahimik ka nga," muli kong nilakihan ang mata na nginisihan niya lang.
Alam niya kasi na matagal ko ng hinahangaan ang anak ng Salazar na si Austine kaya pareho kaming excited ngayon na makita namin ito sa personal. Pero hindi ko aaminin na gusto ko ang lalaki. Siguro, may paghanga dahil sa ka guwapohan nito pero hindi ko naman masasabi na pareho ako kay Marina na parang patay na patay kay Austine. Alam ko namang wala akong pag-asa na mapansin.
"Sa tingin mo mabait kaya ang crush mo?" bulong niya. Ayaw pa rin tumigil.
"Ang ingay mo..." sita ko.
Sa kabila nito. Iniiisip ko talaga na baka suplado si Austine dahil strikto ang mukha niya sa litrato. Hindi man lang ito ngumingiti sa mga picture niya sa bahay nila noong ito'y lumaki na, pero noong bata pa lang si Austine mahilig siyang ngumiti sa mga kuha, kaya nakapagtataka noong lumaki ito ay halos ayaw magpakuha ng pictures. Iyan ang naririnig ko sa kanyang mga magulang. Mailap nga rin sa tao at halos ayaw nang may kasama sa iisang bahay. Kaya nag-iisa lang ito sa kanilang Mansyon doon sa Manila.
Sa paghihintay namin kung kailan lumabas ang mag-asawa sa bahay nila at ang mga anak nito. Nag-uusap lang kami ni Anjanett pa tungkol sa anak ng mga Salazar. Kalaunan ay nakarinig kami ng mga palakpakan hudyat na lumabas na sa bahay ang mag-asawa.
Nakangiti si Ma'am Grace habang nakakapit tuko ito sa braso ng kanyang guwapong asawa na si Martin. Hindi ipagkakailang ang guwapo at ganda nila habang naglalakad pababa sa hagdanan upang harapin kaming lahat rito sa labas ng kanilang bahay.
"Nakakalaglag panty talaga itong si Sir Martin. Kahit may edad na, ang bata pa rin ng mukha," gigil na sabi ni Anjanett sa tabi ko na agad kong sinang-ayunan.
Parang bata pa rin talagang tingnan ang mag-asawa. Sobrang kisig ni sir Martin at ang ganda naman ni Ma'am Grace lalo na kapag ngumingiti siya. Mas suminag ang mala-angel na ka gandahan nito. Sobrang puti niya pa. Nahiya naman ang morena kong balat.
"Magandang hapon sa inyong lahat. Nagpapasalamat ako sa pagdalu niyo sa salo-salu natin ngayon. Kahit hindi pa naman dumilim ay marami na kayong na parito," bati ni Ma'am Grace habang nakangiti pa rin.
Kung may hahangaan man akong pamilya, sila iyon, ang pamilyang Salazar sa pagkat ramdam mo talaga ang pagmamahalan nilang mag-asawa. Sila ang magandang instrumento ng pagkaroon ng magandang pag aasawa sa murang edad dahil sa narinig ko sa mga taong nagtatrabaho sa kanilang malaking Hacienda. Hindi rin bihira ang pagmamahalan nila.
Kagaya namin, isang simpleng magsasaka lang din si Sir Martin Salazar rito sa Casa De Villamonte. Hanggang sa yumaman siya at na bili niya ang lupain mismo nila Ma'am Grace noong ito'y yumaman, at sa murang edad nila ay nagkaroon sila ng relasyon at pinaglaban nila ito kaya ngayon nandito sila, bumalik sa kung saan nagsimula ang kanilang pagmamahalan para dito na magreretiro sa pagnenegosyo sa pagkat pinagkakatiwala na nila ang lahat ng kanilang business sa mga anak nila.
Dalawang taon nang namalagi ang mag-asawa rito sa Hacienda nila at dito na rin daw titira kaya maraming nasisiyahan na mga trabahador nang malaman ang desisyon ng mag-asawa. Isa na ako roon lalo na't ako ang kinuha nilang katulong sa kanilang malaking Hacienda kaya nga palagi kong nakikita ang mga litrato ng mga anak nila sa loob ng bahay dahil nililisan ko ito lagi.
"Alam kong hindi niyo pa nakikita ang anak namin ni Grace dahil nasa Manila sila nag-aaral at ang nakakatandang anak namin ay siya na ang nagdadala ngayon ng negosyo namin.... Kaya kayo nandito, gusto ko lang salubungin ng pagdiriwang ang pagpunta ng mga anak namin rito sa Hacienda at ipakilala sa inyong lahat ang magkakapatid na Salazar," si sir Martin naman ngayon ang nagsasalita. Nakahawak ito sa bewang ng kanyang asawa. Humilig naman si Ma'am Grace sa kanyang balikat.
"Dito na ba maninirahan ang anak niyo Ma'am and sir?" tanong ng isang trabahador.
Tumawa si sir Martin kaya lumabas ang hulma sa pisnge nito na pati kami halos malugutan na sa paghinga dahil sa ka guwapohan nito kahit walang tunog ang ngiti niya mapapasinghap ka talaga, lumabas lalo ang kakisigan nitong taglay kapag ngumiti.
"They here for a summer vacation. Isang linggo lang ang pananatili ng anak namin rito sa Hacienda. Uuwi din sila sa susunod na linggo pa balik ng Manila. Nandito lang sila para bisitahin ang pagmamanahan nilang lupain...sa Casa De Villamonte."
Nakaramdam naman ako ng lungkot. Akala ko pa naman habang buhay na ang anak nila rito. Isang linggo lang pala. Kung ganoon, ilang taon na naman ang hihintayin namin bago makita ang mga anak nila.
"Kayong mag-asawa. Dito na ba talaga kayo maninirahan? Hindi na kayo babalik ng Manila?" may mga trabahador na naman ang nagtanong.
Si Ma'am Grace na ang sumagot. Iniling niya ang kanyang ulo at ngumiti siya sa lahat.
"Hindi na kami babalik ng Manila. We're staying here for good. Mas gusto naming bumalik rito sa Casa De Villamonte para pagtuonan ang mga tauhan namin rito ng pansin na nagtatiyagang magtrabaho sa planta. Isang dekada na rin mula noong namalagi kami rito...Sa ngayon, ang mga anak na namin ang magdadala ng mga negosyo namin sa Manila kaya hindi na kami babalik roon. Pinagkakatiwala na namin sa anak namin ang lahat ng pinagmanahan nila."
Nagbubulungan ang lahat sa anunsiyong iyon. Halatang nasisiyahan. Natuwa na rin ako dahil kahit papaano malaki ang epekto nito sa aming mga trabahador gayong sila na mismo ang mag-aalaga sa kanilang planta. Noong wala kasi sila sa Hacienda iba ang ang nagdadala sa amin. Nag-utos lang sila para may magche-check at masasahod sa amin tuwing linggo.
"Puwede na po bang makita namin ang mga anak niyo Ma'am Grace at sir Martin? Saan po ba ang mga anak niyo? Kanina pa namin hindi nakita," sabi ng ibang nandito na mukhang excited na rin makita ang mga anak nila. Hindi lang pala ako ang ang sabik na makita ang apat nilang anak.
Tumuwid ako sa pagkakaupo para makita ang mga anak nila ng maigi kung lalabas na ito ng bahay. Baka nandoon lang ito at naghihintay na tawagin. Pero nang in-anunsiyo ni Ma'am Grace kung na saan ngayon ang mga anak nila...
"Mukhang mali-late sa pagdating ang anak namin ni Martin dahil nasa planta pa ito Naglibot-libot sakay ang kabayo... Puwede na kayong kumain habang naghihintay tayo sa mga anak namin. Alam kong gutom na kayo. Just enjoy the food."
Kaya naman kahit palubog na ang araw maagang kumain ang lahat habang naghihintay sa pagdating ng mga magkakapatid na Salazar na naglibot-libot lang pala sa kanilang Hacienda.
Minu-minuto akong tumitingin sa kanilang malaking gate baka dadating na ang mga ito. Hindi ako mapakali habang kumakain na rin. Kahit panay salita si Anjanett sa tabi ko hindi ko siya pinagtuonan ng pansin. Mas focus ako kababantay sa gate.
Nagkakasiyahan na ang lahat. Napansin kong lasing na si Papa Romulo sa kanyang inuupuan dahil nakayuko na ito sa lamesa. Katabi naman nito si mama at ang dalawa kong kapatid na kumakain sa kanilang lamesa.
Kumakain na rin ako nang tahimik hanggang sa marinig naming lahat ang mga yapak ng kabayo na sunod-sunod na dumating papasok ng malaking gate.
"Nandito na ang anak ni Ma'am Grace at sir Martin!" may sumigaw nun mula sa labas ng gate.
Lahat ng atensyon namin naghihintay sa papasok. Unang dumating ang kabayong pula sakay ang babaeng mas bata kay sa akin. Sobrang ganda nito sa suot na isang tweed riding jacket na kulay grey. Nakatali ang lahat ng buhok na umiindayog sa tuwing tumatakbo ang kabayo papasok ng gate. Sumunod namang pumasok ang isa na namang babae na sa tingin ko mas bata rin sa akin ng kaunti. Sobrang ganda rin at kamukha ni Ma'am Grace dahil sa pink cheekbones nito. Kagaya ng naunang babae, nakasuot rin siya ng tweed riding jacket na brown. Both of them we're smiling when they entered the gate.
Ang sumunod naman na pumasok sakay rin ang kabayo ang isang lalaki na magkasing edad ko lang. Seryoso itong dumaan sa gitna namin habang sakay ang kabayo. Makapal ang kanyang kilay, pula ang mga labi may bilogan itong mga mata. Brown ang buhok, mas lalong nadepina ang kulay nang matamaan ng palubog na araw, medyo matigas ang kanyang ekspresyon sa simpleng baling niya ng tingin sa aming lahat. Napapasunod tuloy ang tingin ng mga tao sa kanya. Kakaiba ang dating niya sa tuwing inaawang niya ang kanyang bibig. Walang emosyon ang mukha nito at nakakatakot salubungin ang mga mata.
May espasyo sa gitna kaya doon sila dumaan sakay ang kanilang kabayo. Tinitingnan ng tatlong magkakapatid ang bawat bisitang nandito sa labas ng kanilang bahay na kasalukuyang kumakain at tumitingin sa kanilang pagdating.
Ang gaganda at ang guwapo nga talaga ng anak ng mga Salazar kaya pala kinababaliwan sila sa mga babaeng nandito noong hindi pa sila dumating. Maski ang mga lalaking trabahador na magkasing edad ko lang. Nakukuha nila ang atensyon ng dalawang babaeng mas naunang pumasok.
"Si Austine... Siya na ang papasok ng gate!" sabi ni Marina na niyugyog niya pa ang katabing babae. Mukhang hindi na ito makapaghintay.
Lumunok ako. Tutok na tutok kaming lahat sa gate. Naghihintay sa pagpasok ng nakakatandang lalaki. Pigil hininga ako dahil mas nagpapakuha ng atensyon naming lahat, ang huling pumasok na sakay ang puting kabayo. Mariin kong hinawakan ang upuan. Buong atensyon ko nasa gate. Lumalakas ang pagtibok ng puso ko bawat minutong paghihintay.
Nang marinig namin ang yapak ng kabayo na mabilis na pumasok sa loob ng gate. Nakita agad namin ang sakay na lalaki. Nakasuot siya ng itim na leather jacket na pinailaliman ng puting t-shirt. He's wearing a black cowboy hat. Bagay sa kanya iyon. Mas matangkad siya kay sa doon sa lalaking pangatlong pumasok. Kahit naka upo siya sa likod ng kabayo makikita mo talaga kung gaano katikas ang katawan niya. Tinanggal niya ang suot na sumbrero at dinikit sa kanyang dibdib habang ang isang kamay nakahawak sa tali ng kabayo.
Nanlamig ang buo kong katawan nang sinuyod niya nang tingin ang paligid ng kanilang bahay.
Nalaglag ang panga ko habang pinagmasdan siya ngayon. He's more mature... He's more charismatic.
For me he's more than scarier than the man who came before him. Madilim ang kanyang mga mata. Magkasalubong ang kanyang kilay. Seryosong nakatiim bagang ang kanyang panga at labi. He keep on looking around. Tiningnan isa't-isa ang mga bisita na nandito na ngayon nakakakuha ng kanyang atensyon.
Parang may bumundol sa dibdib ko nang dumaan siya sa lamesa kung saan ako naka-upo. Nakatingala ako sa kanya, hindi ko na maiwas ang mga tingin ko sa mukha nito.
Nanunuyo ang lalamunan ko nang bigla niya akong binalingan rito sa aking upuan nang dumaan ang kanyang sakay na kabayo sa tabi mismo ng aking lamesa. Mas lalong nagkasalubong ang kanyang kilay nang magtama ang mga mata namin.
Nagtaas siya ng kilay pero walang emosyon ang mga tingin niya sa akin. May dumaang dilim sa kanyang mga mata. Tinagilid niya ang ulo para lalo akong mapagmasdan dito sa ibaba. Suminghap ako. Hindi magawang ikurap ang mga mata.
Para sa akin nanuot sa kaibuturan ko kahit panandaliang titigan lang ang ginawa niya sa akin. Ilang segundo siyang tumitig sa mukha ko. Animo'y aksidente lang ang pagbaling niya sa akin. Pagkatapos nag-iwas siya ng tingin nang malagpasan na niya ako sa aking upuan.
Nalaglag ang panga ko sa tagpong iyon, dahil sigurado na talaga ako... Ang huling pumasok na lalaki sakay ang kabayong puti ay ang lalaking matagal ko ng gustong makita. Si Austine Salazar... Ang lalaking pinagmasdan ko lang sa malaking litrato nila. Ngayon, nandito na siya... Natitigan ko pa nang mas malapitan.
Para nang mag-palpitate ang puso ko sa simpleng titigan namin sa mata. Hindi na mawala sa aking isipan kung paano niya ako pinagmasdan kanina. There's something in his eyes na parang malulunod ka roon. Kahit seryoso ang pagmumukha niya noong nagkatitigan kami parang lumundag ang puso ko sa tensyon at takot.
Walang emosyon ang mga mata niya pero iba ang karisma niya kay sa doon sa naunang lalaki, lalo na't medyo magulo ang kanyang buhok. Mahaba kaunti pero bagay sa kanya. Sobrang puti niya rin. Medyo chinito ang mga mata niya pero grabe ang hatid nito sa kaibuturan ko nang namemoryado ko lahat iyon nang magkalapit kami kanina.
"Ang guwapo talaga ni Austine... Tama ka nga roon, Marina. Siya ang pinaka-astig at pinakamakisig na lalaking nakikita ko," sabi ng kaibigan ni Marina na sinusundan na nila ng tingin ang likuran ni Martin.
Nawindag na lang ako. Lahat kami biglang natahimik sa biglaaang pagdating ng apat na anak ng mga Salazar. Parang nadaanan ng masamang hangin dahil sa kanilang nakakakilabot na presensiya lalo na ang lalaking nasa hulihan na nagpapatigil ng paghinga naming lahat.
Austine Salazar is really something. Unang kita mo pa lang sa kanya mangangatog na ang mga binti mo sa kakaibang karisma niya.