Chapter six Naghikab si Jerome habang nag dadrive ito. Tahimik naman si Abby habang bumabyahe sila papunta sa condo unit nito "A..Antok ka pa po ba young master?" Tanong niya kapagkuwan "Hmm?" Saglit siyang nilingon nito Bakas na bakas sa mukha nito na hindi ito nakatulog ng maayos. "Mukha pong antok na antok pa kayo. Sana ho mamaya nalang ho tayo umuwi sa condo niyo at natulog nalang po muna kayo sa mansyon--" "I have a lot of things to do.." simpleng sagot nito habang nagmamaneho "Ganon ho ba.." Tumahimik nalang siya. Mukhang masungit ito ngayon dahil kulang siguro ito sa tulog Tahimik lang din ito habang nag dadrive. Medyo malayo layo ang condo unit nito sa mansyon kaya medyo matagal tagal din silang tahimik "Wow!" nabigla siya dahil ngayon lang siya nakakita ng building Todo