SA North Caloocan ang venue nila. Namangha si Malia sa lawak ng medyo mataas na lupaing pinagdalhan sa kaniya ni Andrew. May kongkreto itong bakod at mataas na gate. “Kaninong property ito?” tanong niya sa binata nang makapasok sila sa gate. “Mine. I bought this last month,” tugon nito. “Wow! Ang lawak!” “Yes. Two hectares ito. Plano ko itong patayuan ng hotel at shoe store. Nag-iipon pa ako ng budget for construction.” May nakatayo na roong munting lighthouse. Binuksan ni Andrew ang mga ilaw kaya lumiwanag. Walang katao-tao roon. “Let’s go inside,” anito nang mabuksan ang pinto ng lighthouse. Halos ayaw na niyang kumurap dahil sa ganda ng loob ng lighthouse. Konti lang ang mga gamit doon. “Ang ganda naman dito!” amaze niyang komento. “I came here if I want to rest my mind.” “Ala