NABAKANTE ng ilang araw ang bahay nila Malia kaya amoy kulob. Nag-spay ng air freshener si Melanie, naglampaso ng sahig. Sa sobrang excitement nito na makita si Jerom ay napabilis ang paglilinis nito. Natataranta na rin siya dahil ang bilis ng oras. Makunat pa ang karne ng manok. Isinabay na lamang niya ang pagprito ng isda. Gumawa rin siya ng buko salad. Dala pa ni Melani ang dalawang perasong buko na nabalatan na. Nakabili naman siya ng rekado sa malapit na tindahan. Sikat na artista ang bisita nila, mayaman, kaya napi-pressure siya. Nakita na niya ang bahay ni Jerom, natikmana ng mga pagkaing inihain sa kanila. Kaya nakahihiyang pakainin lang niya ito ng pipitsuging ulam. Baka nga hindi ito kumakain ng isdang tilapia. “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, Ate? Ang ingay mo rito sa kusina,”