NAPADALAS ang overtime ni Andrew sa taping kaya hindi na sila nagkikita madalas ni Malia. Kinakabahan na rin siya dahil nabasa niya ang latest status ni Aldrin na pauwi na ito. Uuwi na rin si Megan. Busy na rin si Malia kaya kahit tawag o mensage niya ay hindi nito nasasagot. But still, he will find ways to give time for Malia. Patutunayan niya rito na hindi siya basta matitinag ng mga balakid. Habang busy siya, si Tyron ang nagmamasid kay Malia. Ito ang nagbibigay ng update sa kaniya kaya okay lang kahit hindi masagot ng dalaga ang tawag niya. Samantalang nagtatampo ang mommy niya dahil tatlong araw siyang hindi nakadalaw rito. Kampanti naman siya dahil ina-update siya ng caregiver nito. So far, wala namang bad news. Sabado ng gabi ay late na siyang nakauwi. Alanganing oras na para pu