WALANG inilihim si Malia kay Andrew. Binaggit pa rin niya rito ang tungkol kay Aldrin, na pumayag siyang mag-dinner kasama ito sa kaniyang bahay. “You and him?” bulalas nito. Katatapos lang nilang mag-lunch at naglakad-lakad sa garden. “Nabanggit ko naman na mag-o-overnight si Laiza sa bahay mamaya, ‘di ba? So may kasama kami.” “And why do you need to agree to Aldrin? You’re just giving him a chance to be aggressive.” “That’s not what I mean to happen, Andrew. I dealt with Aldrin. We will still be friends. At kung tuluyan ko siyang iiwasan, lalo siyang magdududa at magiging agresibo.” “Wala pa rin akong tiwala na mapapanindigan ni Aldrin ang friendship lang. He would do anything to get your trust.” “Sa akin ka magtiwala, Andrew. Hanggat okay kami ni Aldrin, walang magdududa sa atin