MAAGANG umalis ng Batangas sina Malia at Andrew. Nauna na sila kay Jerom. Tanghali pa naman ang taping ng eksena nila ni Jerom kaya may oras pa si Malia na magpahinga. Kapapasok lang niya sa hotel suite nang salubungin siya ng nakagigimbal na balita mula sa production staff. “What is the meaning of this?” tanong ni Emily habang hawak ang latest showbiz newspaper. Napatingin sa kaniya ang lahat, nasorpresa rin sa nababasa sa diyaryo. Kumabog na ang dibdib niya nang mapagtanto na siya ang nasa balita. Lumapit siya kay Emily at kinuha ang hawak nitong diyaryo. Nawindang siya sa deadline ng balita kalakip ng litrato. Ang linaw ng mukha niya sa litrato na may kahalikang lalaki. Medyo madilim sa lugar kaya malabo ang side ng lalaki pero nakilala niya ang tindig nito. Si Andrew ito! At ang e