NAPASINTIDO si Andrew nang mabasa ang new version ng script. Ang dami niyang kakabisaduhing linya sa first scene. Lumuklok siya sa bench sa may sulok na malayo sa ibang kasama niya. Tyron was there, observing him. Naroon na ito since bumalik siya for rehearsal. Hindi lamang niya ito pinapansin dahil busy sila. “Ang totoo, lalabas si Malia at Aldrin mamaya,” sabi ni Tyron, nakaupo sa tabi niya. Sinipat niya ito. “Paano mo nalaman?” “Nakamasid ako kanina kay Malia sa office. Ka-text niya si Aldrin, at pumayag siyang mag-dinner sila.” He sighed. “Why did she lie to me?” he asked. “Siguro ayaw lang niya ng hard feeling.” Tumawa siya nang pagak. “Ayaw niyang hindi kami okay ni Aldrin, and she keeps entertaining my brother. It means she allows Aldrin to get into her life.” “Kung pipiliin