VLAD’S POV Halos isang oras akong naghintay sa dalawang 'yon. Actually kaming dalawa ni Alli pero mukhang wala na sila sa Academy kaya napag-desisyunan na naming umuwi. Habang bumabyahe kami ay nag-usap kami ni Alli. "Alli, kamusta ang lagay ng ating kaharian?" Tanong ko rito habang sa labas nakatingin. "Hindi mabuti, master. Kaya nga sinama ko rito si Lady Amanda upang mailayo siya sa panganib. Kasalukuyan ng gumagawa ng hakbang ang mga kalaban. Naiwan sa tiyuhin mo ang pangangalaga sa kaharian hangga't hindi pa naisasagawa ang koronasyon mo" naikuyom ko ang mga kamay ko nang marinig ko iyon. Hindi ko akalaing gumagawa na ulit ng hakbang ang mga kalaban, balak na naman nilang sakupin ang aming kaharian sa pangalawang pagkakataon. "At ang ilan ay nagkalat na sa buong mundo upang hanapi