3. Available na/Mess@ge me. Mis Annie

1347 Words
Chapter Three "Wala munang trabaho, Nevara. Pumirmi ka muna. Magpahinga." Iyon ang sinabi ni Lady A sa akin. Kung siyang may edad na ay hindi alam ang salitang pahinga, mas lalo ako na ilang taon pa lang. "Lady A, gusto kong magtrabaho. Puro maliliit na trabaho lang ang natatanggap ko. Kilala n'yo naman ako ni Atalanta. Hindi ako bagay sa gano'n. Hindi roon ang expertise ko." Nagpunta pa talaga ako rito sa headquarters para lang makausap ito. "Lady A, kinausap ba kayo ni mommy? Sinabi ba niyang huwag muna akong bigyan ng trabaho?" nafru-frustrate na talaga ako. "Hija, desisyon ko na hindi ka muna bigyan ng trabaho. Magpahinga ka muna. Libangin mo muna ang sarili mo sa ibang bagay. Hanggat hindi ko nakikita sa 'yo iyong dating Nevara na hinasa namin nila Garette ay hindi kita bibigyan ng trabaho," nanulis ang nguso ko. "Wala naman pong nagbago sa akin, Lady A," seryosong ani ko. Si Atalanta na nasa couch ay inangatan ako ng kilay. "Nagsisinungaling ka, hija," ani nito. "Atalanta," reklamo ko. "Hindi ko talaga gets kong bakit iniisip ninyong nagbago ako. Wala naman akong nakikita o nararamdaman na pagbabago sa sarili ko." "Nevara, tatlong buwan. Magpahinga ka muna ng tatlong buwan. Bumalik ka sa akin pagkatapos." "What? Three months? Too long, Lady A. Hindi ko kakayanin iyan. Anong gagawin ko sa loob ng tatlong buwan na iyon?" stress na stress na akong makipag-usap dito. "Maghanap ng lalaki. Yayain mo na rin ang anak ko, Nevara," mariin akong napapikit sa sinabi ni Atalanta. Dito talaga nagmana si Lily. Kopyang-kopya. Walang tapon. "Rest, Nevara. Alam mo sa sarili mo na hindi ka pa handang bumalik sa trabaho... sa mabigat na trabaho." "Kailangan kong magtrabaho, Lady A." "Ipagpatuloy mo ang pagbabantay mo kay Quiran Mcfline. Iyon. Trabaho iyon." Napabuntonghininga ako. Wala talaga. Buo talaga ang desisyon nilang hindi ako bigyan ng trabaho. Ilang linggo pa lang din kasi ang nakararaan nang lumabas ako ng ospital. Ngayon, ganito sila kahigpit sa akin. I'm okay. Healthy. Kahit nga ang record ko sa hospital ay in-check ko na rin just to make sure na okay ako. Baka kasi may hindi sinabi ang doctor na case ko na utos nila mommy. Pero wala naman. Okay na okay talaga ako. "Pwede ka nang umalis, Nevara. Busy kami rito," bagsak ang balikat na lumabas ako ng opisina. Nakasalubong ko pa ang ilang girls na sobrang nagmamadali. For sure busy sila sa trabaho. Habang ako? Bigo na bigyan ng trabahong kinasanayan ko. Nakasalubong ko pa si Lily na may kakaibang ngisi sa labi. Kapag gano'n ang ngisi nito ay tiyak na may trabahong ibibigay rito. Sana all. Kumaway lang ito sa akin at nilampasan na ako. Nagmamadali rin ito. Dahil wala naman akong magagawa sa headquarters ay nagpasya akong umalis. Kung ayaw nila akong magtrabaho... fine. Eh 'di hindi magtrabaho. Hahanap na lang muna ako nang mapaglilibangan ko at habang nagbabantay na rin kina Quiran. -- "Nasaan ka?" chat iyon ni Lily sa akin. Ano na naman kayang kailangan ni Lily sa akin. Mabilis akong tumipa ng reply ko rito. "Nandito sa condo. Planning to leave rin. Tatambay ako sa park na katabi lang ng condominium building." Hindi naman ako nakatanggap ng reply sa sinagot ko rito. Nakapambahay lang ako. Cellphone at wallet lang na maliit ang dala. Naglakad lang din ako papunta sa park. May mga residente sa building na kinaroroonan ng unit ko ang naroon at namamasyal kasama ang mga alaga nila. Ako? Solo ko lang. Payapang-payapa ang lugar na ito. Hindi crowded at presko ang hangin. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin. Siya na naman? Nag-iwas ako ng tingin at iniba ang direction na nilalakaran. Ilang minuto na akong naglalakad at bigla na naman itong sumulpot. Abot tanaw ko ito na casual na naglalakad. Ang kulot nitong buhok ay bahagya pang hinahangin. Nakapambahay lang din ito. This time ay hindi ito nakatingin sa akin. Kung 'di sa phone niya habang naglalakad siya. Lumiko ako. Pupunta muna ako sa benches para maghanap ng bakanteng pwedeng upuan. Pag-upo ko'y nagdutdot muna sa phone. Ilang minuto ring naging abala ang atensyon ko roon. Nang nag-angat ako nang tingin ay bahagyang umawang ang labi ko nang nakita ko ang lalaking nakaupo na sa katapat na bench. May kalayuan pero kitang-kita ko ito roon. Nasa phone ulit ang atensyon nito at parang walang pakialam sa paligid niya. He's Thunder Sebastian Aiden right? Mukhang umuuwi rin ito rito sa condominium na pag-aari ng kanyang ama. Nagkakataon lang naman siguro ito 'no? Hindi sa pagfe-feeling pero baka no'ng nakita niya ako sa bar ay na-type-an n'ya kaagad ako. Damn! Nakakakilabot. Hindi pa pumapasok sa isip kong manglalaki. Single ako. Wala ring s*x life. Busy talaga sa trabaho. Na-ospital pa ng matagal. Kaya wala akong panahon sa mga kauri ni Adan. Bago pa magtama ang tingin naming dalawa ay tumayo na ako at balak na sanang umalis kaso bigla rin itong tumayo. Hindi nakatingin sa akin. Pero pareho kami ng ginawa. Nang bumalik ako sa pag-upo ay muli rin itong naupo. Ginagaya ba niya ako? Tumayo ako. Tumayo rin ito. Naglakad ako, lumakad din ito. Nang huminto ako ay huminto rin ito. Damn it! Hindi siya nakatingin sa akin pero paano niyang nagagaya ang ginagawa ko? Nang tumakbo ako nang mabilis ay hindi na ako lumingon. Pero nang nakalayo na ako ay huminto na ako at tinignan ito. Nakahinto pa rin ito at nakatingin sa phone niya. Para akong napahiya. Hindi niya ako ginagaya. Nagkataon lang. Kasi kung ginagaya niya ako... bakit hindi siya tumakbo 'di ba? Napakamot ako sa ulo ko. Nagkataon lang tapos nag-assume na ako? Tiyak kung malaman ito ni Lily ay pagtatawanan ako no'n. Nakakahiya. Lumakad na lang ako palabas ng park. Pero imbes na umuwi ay ibang daan ang tinahak ko. Nagpunta ako sa pwesto ng mga street foods dito sa area. Ilang kanto rin ang nilagpasan ko. Pero okay lang dahil wala rin naman akong gagawin ngayong araw. May oras ako para maglakad-lakad. Habang naglalakad ay binubuklat ko na ang wallet ko para magtingin kung may smaller bill ako. Mayroon naman. Nang nailabas ko iyon ay nag-angat ako ng tingin. Pero si Thunder Sebastian Aiden ang nakita ko. Agaw pansin dahil sa features nito. Hindi ko alam kung may lahi itong banyaga. Basta sa lugar na iyon ay angat na angat ang itsura nito. Lumakad ito patungo sa isang stall. "What's that?" seryosong tanong ni Thunder sabay turo sa kwek-kwek. "Itlog ng pugo, bossing," tugon naman ng tindero. "Masarap ba ang itlog mo, manong?" hindi ko alam kung bakit napabungisngis ako sa tanong nito. Iyong mga bumibili ay napa-side eye pa rito. "Tikman mo, bossing!" ang lakas pa ng tawa ni manong at ng mga estudyante sa paligid niya. Mukhang hindi gets ni Thunder ang joke ni manong at kumuha pa siya ng isang stick ng kwek-kwek. Nagpasya akong lumapit na. Kumuha ng baso at namili na ng bibilhin. Ramdam kong nakatingin ito sa akin. Kumuha rin ito ng baso at ginaya ang ginawa ko. Pagkatapos ay iniabot ko kay manong ang bayad ko. "Keep the change," ani ko. "Iyong bayad ng akin d'yan na rin, manong," takang tinignan ko si Thunder. "Magkasama kami," dagdag pa nito. Tumango naman ang matanda. Kaysa komprontahin ang lalaki ay dali-daling nilagyan ko na lang ng sauce ang baso saka kumuha ng stick at umalis na. Feeling close ata siya roon? "Slow down," narinig kong ani ng lalaki. Nang lingunin ko ito ay enjoy na enjoy itong kumakain ng kwek-kwek. "Masarap pala ang itlog ni manong," komento pa nito. Nang tumingin ito sa akin ay ngumiti ito. "Salamat sa libre, miss," kumindat pa at nagpatiuna na ng lakad. Iisa lang ang direction na tinatahak namin. Sa condominium building iyon. Huminto ito. "Miss, sinusundan mo ba ako?" bagsak ang pangang napatitig ako rito. "No. Of course not!" agad kong sagot saka lumakad na. Binilisan ko para siya itong magmukhang sumusunod. Bakit biglang nakakairita ito? Hindi kami close, pero parang ang sarap ibaon sa lupa dahil sa nararamdaman kong pagkairita rito. Feeling close? Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD