Aryaniah' POV Sobrang akong natutuwa sa baby ni Seren. Kamukhang-kamukha nilang dalawa ni Quevin. Kami kaya aabot kaya kami ni Alien sa ganiyang setwasyon iyong happy lang. Iyong masaya at walang iniisip na problema. Hay! Sana nga. "Ang lalim naman ng iniisip mo? Kasama pa ba ako diyan sa iniisip mo?" napalingon ako ng tumabi siya sa'kin. Nandito kami sa labas ng kwarto nila Seren. Binigyan muna namin ng moment ang dalawa para sa anak nila. Parating na rin ang iba pa naming mga kaibigan kaya dito nalang namin sila hihintayin. "Ah-- wala masaya lang ako para sa kapatid mo at kay Seren." "Iniisip mo rin ba ang setwasyon natin?" "Hindi ko naman maiiwasan iyon kahit ayaw kong isipin kusa ko pa rin naiisip." "Pagbalik natin ng manila. Haharapin natin si Daddy sasabihin ko sa kaniyang i