CHAPTER 8

1445 Words
CHAPTER 8 Camylle's POV "What are you doing here? Wala dito si Vex." Deretsong sabi ko. "I know, kayo talaga ang sadya ko ni Kieyla." "Upo ka muna tatawagin ko lang si Kieyla." Sabi ko saka siya tinalikuran. Parang alam ko na kung bakit nandito siya. Agad ko naman tinawag si Kieyla nasa Kitchen kasi siya naassign ngayon buti nalang mamaya pa ang pasok ni Niah. Baka ano ang isipin ni Serenity kapag nagpang-abot sila dito. Nakwento na rin ni Vex ang nangyari kaya naiintindihan ko ang setwasyon niya. - "Ano nga pala pag-uusapan natin?" Tanong ni Kieyla sa kaniya "Kakapalan ko na ang mukha ko,wala na talaga akong ibang malapitan kundi kayo lang. Nakikiusap ako tulungan niyo akong ipaliwanag kay Vex ang lahat. Sarado ang utak niya pagdating sa'kin. Sinubukan ko ng magpaliwanag pero hindi niya ako pinakinggan. Hindi ko na kasi alam ano ang gagawin ko. Gusto ko lang naman humingi ng tawad sa kaniya. At bumawi sa mga mali ko." Natahimik lang kami ni Kieyla. Hindi ko alam ano ang dapat sabihin, pareho namin silang kaibigan. At mahirap din para sa'min kung paano namin sila matutulungan. Masaya na si Vex ngayon alam ko dahil kay Niah iyon pero hindi ko rin alam ano ang meron sa kanila. At ngayon gusto ni Serenity na magkaayos sila. "Gusto kitang tulungan Seren, pero hindi ko alam paano kasi sa totoo lang maayos na si Vex ngayon. Masaya na ulit siya, mula ng umalis ka ngayon lang namin siya nakitang sumaya ulit." Prangkang sabi ni Kieyla. Sa lahat siya talaga ang kayang magsabi ng deretso kahit alam niyang masakit. Wala siyang pakialam sasabihin niya talaga ang gusto niya. Kahit ako ganun din ang sinabi ko kay Serenity. Naawa ako sa totoo lang. Nang umalis siya ay kinausap ko si Kieyla. Alam ko naman kahit papano may pinagsamahan kami ni Serenity. Kaya gagawa nalang kami ng paraan para mag-usap sila. Kailangan nila ng closure para na rin sa ikakabuti nila pareho. Kieyla's POV "Sigurado ka ba sa gagawin mo Camylle?" "Naawa ako sa kaniya Kiey, kahit naman papano may pinagsamahan tayo at kaibigan din natin siya, pero hindi ako sang-ayon kung makikipagbalikan siya kay Vex. Masaya na iyong tao eh, Kapatawaran lang ang hinihingi ni Serenity siguro naman sapat na iyon na kahilingan kung pakikiusapan natin si Vex na patawarin na si Serenity. Atleast magkaroon man lang sila ng closure." Tama nga naman, maski ako ay naawa kay Seren. Hindi ko alam ang reason niya, wala din naman kami sa lugar para husgahan agad siya. Si Vex ang may karapatan ng paliwanag niya kung bakit siya umalis two years ago. Kinabigla naming lahat iyon. Akala namin okay sila pero nabalitaan nalang namin na umalis ng walang paalam si Seren. Naging miserable ang buhay ni Vex noong nawala siya. Halos ayaw na lumabas ng kwarto. Ayaw kumain, daig niya pa ang namatayan. Pero sa pagdaan ng mga araw, buwan, naging maayos na ulit ang lahat pinilit namin siyang maging okay. Sinasama namin siya sa mga lakad namin pinaramdam namin na hindi siya nag-iisa na may kaibigan pa siya kahit na iniwan siya nandito lang kami para sa kaniya. "Tama ka nga, iyon din ang kailangan ni Vex ang closure. Lalo na ngayon nakikitang kong nakamove-on na talaga siya kay Serenity." "Kaya ayoko magkalovelife eh sakit talaga sa ulo." Natawa ako sa sinabi niya "Paano ka naman magkakalovelife eh sinusungitan mo mga nanliligaw sayo." "Hindi ko naman sila gusto, wala sa kanila ang katangian na hinahanap ko." "Sus, ang sabihin mo choosy ka lang." At nagtawanan nalang kami. Hindi ko masyadong close si Camylle kahit magpinsan kami. Pero nag-uusap pa rin naman kami kahit papano hindi nga lang ganun kaclose. Aryaniah's POV "Manangggg!!!" Sigaw ni Xhi "Xhi, ano ba makasigaw ka dyan." "Mananggg may bwesita ka. Gwapo 'to bilisan mo lumabas ka diyan baka agawin ko 'to mawalan ka talaga ng forever." Nakatampal ako sa noo ko sa sinabi niya. Nakahithit yata ng tambutso ang isang 'to. Ang daming nalalamang kung anu-ano. "Sandali lang may niluluto pa ako."Sigaw ko sa kaniya. "Jojowain ko talaga 'to 'pag hindi ka lumabas diyan." Baliw talaga ang babaeng 'to. Lumabas nalang ako, baka akalain ng bisita mga baliw kami dito nagsisigawan. "Sino ba kasi iyan, may niluluto pa ako baka masunog iyon sayo ko talaga ipapakain ang sunog." Sabi ko habang nakayukong hinuhubad ang apron ko. Napahinto ako bigla sa bumungad sa'kin. Paano niya ako natunton dito? "Xhi, iwan mo muna kami." Sabi ko "Okay mukhang seryoso ng pag-uusapan niyo ah! Bye pogi.." Sabi niya saka umalis "Andiamo fuori qui." Sabi ko saka nauna akong maglakad *translation: Tara sa labas, huwag dito.* Pinili kong sa may likod ng bahay kami mag-usap may maliit na kubo doon, kung saan kami madalas tumatambay ni Xhinia. "Cosa stai facendo qui? Come mi troverai?" Agad kong tanong sa kaniya *translation: Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nahanap? "Devi tornare a casa." "Per che cosa? Mi sposerò a qualcuno che non mi piace?" *translation : Kailangan mo ng umiwi - para ano? ipakasal ako sa taong hindi ko naman gusto? Nagpunta lang siya dito para sabihin na kailangan ko ng umuwi. Ayoko, hindi ako babalik dun. Masaya na ako kung saan man ako ngayon. "Kailangan mo ng umuwi may sakit ang mahal mong ama." Kumunot bigla ang noo ng magsalita siya ng tagalog. "Marunong ka magtagalog?" "Sì, sono qui da tempo perché ti sto cercando" *translation: Oo, matagal na ako dito dahil hinahanap kita. Mas lalong hindi matahimik ang kalooban ko dahil sa binalita niya. May sakit si Ama, ano ang gagawin ko? Gusto kong umuwi pero paano ang pag-aaral ko? Hindi ko din alam kung makakabalik pa ako dito kung sakaling uuwi ako sa italya. Nang makaalis si Reign.. "Manang anong nangyari sayo?" "Xhi, pinapauwi na ako sa Italy. May sakit si Ama. Nalilito ako ano ang dapat gawin." "Manang kailangan ka ng pamilya mo. Kahit naman ganun sila pamilya mo pa din sila." "Paano kung hindi na ako makabalik dito? Ano na gagawin ko? Alam mo naman na masaya ako dito." "Nasa'yo pa din ang desisyon Manang. Basta nandito lang me if you need me." KINABUKASAN.. Hindi pa din ako nakapag-isip ng maayos, nalilito pa din ako ano ang dapat gawin. Lutang ang isip ko habang naglalakad papunta sa klase ko. "Saan ka pupunta?" May isang kamay ang umakbay sa'kin. Paglingon ko.. "Reign anong ginagawa mo dito?" "Wala lang, gusto ko lang makita kung saan ka nag-aaral." "Ngayon makita mo na alis kana may klase pa ako." Saka dali-dali akong naglakad palayo. Reign is my childhood friend. Kung may pagkakatiwalaan man ako siya iyon. Pero kailangan ko muna siya iwasan nalilito pa din kasi ako. Pag-akyat ko naka-abang si Alien. Ano na naman kaya kailangan ng isang 'to. Kunwari hindi ko siya nakita, nilagpasan ko lang siya mang-aasar na naman 'to sa'kin. Pero hindi pa man din ako nakakalayo ay hinila niya ako papunta sa gilid. Agad niyang hinarang ang dalawang braso niya para ecorner ako. "Hoy! May klase pa ako ano na naman bang kailangan mo?" "Sino iyong kausap mo? Bakit may pahawak-hawak pa iyon sayo hah?" Halata sa mukha niya na naiinis siya. Pero teka? Bakit ganito magtanong ang isang 'to? "Kaibigan ko lang iyon bakit ba?" "Bakit may pa akbay-akbay pa iyon. Chansing naman iyon sayo masyado." "Eh ikaw nga chansing sa'kin bakit siya hindi pwede." "Dahil mas gwapo ako dun, ano ba wag mo iniiba ang usapan. Hoy nerdy wag mo na ulit hayaan makaakbay iyon sayo iyon patay ka talaga sa'kin. Ano bang problema ng alien na'to. May topak na naman ang aga-aga napapraning. " Naka-drugs ka na naman ba? Ano bang problema mo hindi ka naman inaano ng tao." "Ah basta ayoko hinahawakan ka niya. Tandaan mo sinabi ko Nerdy patay ka talaga sa'kin. Tara na hatid na kita sa room niyo." Tamo 'to. Bipolar! Pero infairness nakakatuwa kahit nakakabwesit siya. Eh laging nang-aasar eh. Hindi ko tuloy alam kung anong trip niya ang g**o niya kasi. Bagay talaga ang palayaw ko sa kaniyang Alien. Mahirap pala masaya ng panandalian. Kasi kahit nakangiti ko may lungkot pa din akong nararamdaman. At the same time nag-aalala ako sa kalagayan ni Ama. Sana ay okay lang siya, ang hirap magdesisyon. Hindi naman sa ayaw kong makita si Ama. Nag-aalinlangan lang ako sa magiging reaksyon niya. O mga possibleng mangyari kapag bumalik ako. Hayy! Bahala na nga saka ko nalang iisipin, aral muna baka mawala ako sa focus. Ayoko pa naman bumagsak sayang ang pinaghirapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD