Aryaniah's POV "Okay ka lang ba?" Tanong ni Reign sa'kin Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino. Isang buwan na din ang nakalipas mula ng umalis ako sa bansang tinuring ko ng pangalawa kong tahanan. Hindi naging madali ang naging desisyon kong bumalik dito sa Italy, pero siguro nga tama sila walang anak ang kayang tiisin ang magulang kahit pa may nagawa itong nakasakit sayo. Hindi ko kayang hayaan si Ama lalo na sa kalagayan niya. Sa kabila ng ginawa niya sa'kin noon siya pa din ang Ama ko. Nangako akong babalik ako pero hindi ko alam kailan panahon lang ang makapagsasabi. "Carissima principessa, ti preghiamo di chiamare la tua regina" *Mahal na Prinsesa pinapatawag po kayo ng Reyna.* Tumango lang ako at saka lumabas ang katiwala nam