Ryzo's POV Kunot-noo akong naglakad papunta sa office ni Dad. Ano na naman kaya kailangan niya sa'kin. Tuwing pinapatawag niya ako puro nalang nakakabadtrip ang naririnig ko galing sa kaniya. "Dad?" "Maupo ka." "Kung ano man ang sasabihin niyo Dad, sabihin niyo na.." Umayos siya ng upo saka tinanggal ang suot na eyeglass. "Nais kong bigyan ka ng isang birthday Celebration sa makalawa na ang birthday mo." Akala ko naman ay kung ano na ang sasabihin niya. "Hindi ko kailangan iyon Dad. Nakapag-celebrate na din ako ng birthday kasama ang mga kaibigan ko last week pa at saka sapat na sa'kin ang konting salo-salu iyong tayo lang magpamilya." Buong buhay lahat ng gusto namin binibigay nila Dad sa'min. Ultimo birthday ay gusto nila enggrande talaga. Si Dad lang naman ang maraming bis