Aryaniah's POV Hindi ko mapigilan na tumulo ang mga luha ko. Sapat pa ba ang mga dahilan ko kung sakaling magpaliwanag ako sa kaniya? Higit akong nasasaktan. Ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. "I'm sorry!.." humihikbi kong sabi Lumapit siya sa'kin saka hinaplos ang pisngi ko na puno ng mga luha. Kaya ko ba? Kakayanin ko kaya kung sakaling susugal ako. Nanatili lang akong nakatitig sa mukha niya. Mga matang nagsasabi kung gaano niya ako kamahal. Mga matang puno din ng lungkot. Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya at lahat ng iyon dahil sa akin. "Hindi mo na kailangan magsalita, alam ko na ang sagot. Pangako hindi na kita guguluhin pa--" "Stay.." Nagtataka niya akong tiningnan nang pinutol ko ang sasabihin niya. "Hindi pa ako kailanman nakaranas paano makipag-rel