Quevin's POV Hindi ko maikakaila na bumabalik na naman ako sa dating ako. Sa tuwing nakikita ko siya lahat ng nasa paligid ko naglalaho at tanging siya nalang ang nakikita ko. Tahimik akong tumabi sa kaniya, lumingon naman siya sa'kin saka muling binalik ang tingin sa malayo. Nandito kami sa mini garden ng School. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong lumipat at bumalik dito na kung noon ay umalis ako para kalimutan siya at ang mga nangayari pero bumabalik pa din ako dito. "May problema ka ba? Malalim yata ang iniisip mo?" Tanong ko. Narinig ko naman ang mahina niyang pagbuntong-hininga. "Kung ikaw ang pinili ko noon sasaya ba ako? Hindi kaya ako masasaktan gaya ng nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman kahit okay na kami ni Ryzo hindi na niya ako kayang mahalin tulad ng dati." Hinaw