ARYANIAH's POV Nakangiting kumakaway si Xhinia nang makita niya ako. Kahit kailan ay baliw talaga ang isang 'to. Four months is enough, sapat na ang panahon na iyon ng pananatili ko doon. Kahit hindi sang-ayon si Ama sa desisyon ko wala pa din siyang magagawa. Ayaw lang raw niya mawalan pa ng anak. Iyon ang masakit na katotohanang nalaman ko. Buong akala ko ay ako lang ang anak nila pero may isa pa pala. Tinago nila sa'kin na may kapatid pa ako. Nang ipanganak kaming dalawa ay iyon raw ang pinakamagandang regalo na natanggap ng mga magulang ko. Pero ang kasiyahang iyon ay 'di nagtagal. Ninakaw sa amin ang isa ko pang kapatid. Ni hindi naranasan ni Ama at Ina na masilayan ang kaniyang paglaki. Baon nila hanggang ngayon ang pagsisisi, sarili nila ang sinisi nila sa pagkawala ni Arniyah.