PINAMULAHAN siya ng pisngi nang marinig ang sinabi nito at sa kabilang banda ay napangiti. “Do you really like me?” she asked him, wanted to hear him saying those words again. “No,” maiksing tugon nito na nakapagpasimangot sa kaniya. “I love you, and that’s different.” Nag-iwas siya ng tingin. Nahihiya siyang humarap dito, lalong-lalo na sa tuwing maiisip niya ang tungkol sa pagkainis sa kaibigan nitong si Elijah, na wala namang ginawang masama. Ngayon ay alam niya na ang pakiramdam ng pagseselos. Tumatalon ang kaniyang puso sa sobrang kasiyahan. Mas lalong nakadagdag sa kasiyahang nararamdaman ang matamis na sagot nito. Hindi na siya nagulat pa nang maramdaman ang paghawak nito sa kaniyang palad. “Narito ako, Thoie, bakit ang layo ng tingin mo.” Hindi tuloy maiwasan ng lalaki na mapa

