“TAMA NA iyan, Jazzy. Lasing ka na.”
“Pabayaan mo ako. Gusto kong makalimot sa kahihiyang inabot ko kanina sa harap ng mga taong iyon.” Tinungga niya ang laman ng kanyang baso saka muling nagsalin. “Hindi mo alam kung gaano kalaking kahihiyan ang nangyari sa akin. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas nito. Pakiramdam ko, wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao.”
“Huwag mo na lang intindihin ang sasabihin nila. Lahat naman ng tao may kanya-kanyang nakakahiyang karanasan sa buhay.”
“Hindi ako.” Isang beses pa niyang nilagok ang kanyang alak. Nararamdaman na niya ang epekto iniinom niya pero wala pa siyang balak na tigilan iyon. “Dahil kahit kailan, siguradong hindi mangyayari kay Kuya Bucho ang nangyari sa akin kanina. Ano na lang ang sasabihin ng kuya ko kapag nalaman niya ito?”
“Ano ba sa tingin mo ang sasabihin niya?”
Umiling siya upang kahit paano ay maalis ang agiw sa kanyang isipan. Gandang-ganda kasi siya sa mukha ni Waki at pinipigilan niya ang sariling haplusin ang mukhang iyon.
“Walang sasabihin si Kuya, siyempre,” wika niya. “Pero alam kong madi-disappoint siya sa akin. Dapat talaga, hindi na lang ako umalis sa opisina. Dapat hindi ko na lang siya sinundan sa Calle Pogi gaya ng inutos niya. Para hindi na nangyari sa akin ito.”
“Kung hindi mo siya sinuway…hindi rin tayo magkakakilala.”
“Kunsabagay.” Uminom pa uli siya. “Buong buhay ko, wala na akong gusto kundi ang maging katulad ni Kuya Bucho. Naging malakas ako at matalino dahil sa kanya. Sabi kasi ng mga magulang namin, dapat lagi ko siyang gayahin. Dapat lagi kong tinitingnan ang mga ginagawa niya dahil iyon ang tama at makakabuti para sa akin. Sinunod ko ang lahat ng iyon. Tama naman kasi sina Mama. Kaya lang, my brother disappointed me. Iniwan niya ako. Iniwan niya ang lahat ng bagay na iningatan ko para sa kanya. Ang agency, ang pagiging FBI niya, ang kasikatan. Lahat ng iyon, binalewala niya para lang mamuhay ng simple sa isang simpleng komunidad sa probinsya pa. Alam mo ba, nang mawala siya sa paningin ko, parang nawalan na rin ng direksyon ang buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil lahat ng plano ko sa buhay, lahat ng gusto kong gawin, nakasalalay sa kanya. Ngayon, wala na. I don’t know where I am, I don’t know where to start again.”
Ngayon lang niya napagtutuunan ng pansin ang lahat ng iyon kung kailan lubog sa kahihiyan ang pagkatao niya at lango sa alak ang isip niya. Ibang klase rin naman talaga ang mga tao kung minsan.
“You don’t have to start again, Jazzy. All you have to do was move on. At kung hindi mo naman alam kung nasaan ka na ngayon, balikan mo lang ‘yung pinanggalingan mo at malalaman mo na uli kung saan ka pupunta.”
Ipinatong niya sa bar counter ang kanyang braso. “Hindi ko naintindihan ang sinabi mo.”
“You have your own road to take. You’ve been living under the shadow of your brother for far too long now. Don’t you think its about time you start living on your own? Malaki ang mundo, Jazzy. Maraming bagay ka pang matutuklasan kung lalayo ka sa anino ng kuya mo.”
“Start taking my own road?” Tinitigan niya ang laman ng kanyang baso. “Hindi ko alam kung paano iyan.”
“Leave the agency. Find a new job. Make your own life.”
“Easy for you to say.”
“It is easy if you’re willing to do it.”
Napabuntunghininga na lang siya. “Ewan ko. Sa ngayon, hindi ko pa alam ang gagawin ko. siguro…magpapakalasing na muna ako para makalimutan ang nangyari kanina. One at a time kumbaga.”
“Don’t mind them. Makakalimutan din nila iyon.”
Nilingon niya ito. “Ganyan ka ba talaga, Waki? Kung magsalita ka, parang napakadali sa iyo ng lahat.”
“Hindi ko lang masyadong siniseryoso ang mga maliliit na bagay. Ang totoo, madali lang naman talaga ang lahat kung hindi natin masyadong iisipin. Tulad ng nangyari sa iyo. You’re wearing a cute short. What’s so embarassing about that?”
“I’m wearing a cute short.” He smiled. And she felt a little better. Sa kabila ng antok at pagkahilong nararamdaman dahil sa epekto ng alak, malinaw pa rin sa kanya ang guwapong mukha nito. Nagpangalumbaba siya habang patuloy itong pinagmamasdan. “I don’t know what it is about you but…you really make me feel good about a lot of things.”
“Really.” Nagpangalumbaba rin ito. “What kind of things?”
“Like the way you treat me. Lahat ng kakilala ko, pati na ang kuya ko, alam nilang kaya kong gawin ang kahit na anong gusto ko. Kaya kahit minsan ay hindi sila nag-offer ng tulong. Not that I needed it. Pero…”
“You’re still a girl and you still wanted to be pampered. Kahit na nga halos kaya mo na ang lahat.”
“Oo.” Iniyakap niya sa kanyang palad ang baso ng alak. “At ikaw, nagawa mong iparamdam sa akin kung gaano kasarap maging babae. You opened doors for me and you hold my hand when we’re walking. Pinasuot mo ako ng mga damit na matagal ko ng itinakwil sa closet ko dahil ayokong magmukhang mahina. You…told me I’m beautiful.”
“You are.”
Sumikdo ang puso niya ngunit wala na ang pagkalito sa kanyang isip. Kaya na niyang tanggapin ang mga sinasabi nito. Syet! Kung alam lang niyang mas magiging madali ang lahat sa kanya kung lasing siya, sana pala ay noon pa siya nagpakalasengga.
“Jazzy?”
“Yeah?”
“Anong klase ng lalaki ang gusto mo?”
“Huh?”
“Ano ang tipo mong lalaki? ‘Yun bang mabait o maginoong bastos? Matalino, komedyante o seryoso? I heard girls like the mysterious type. Ikaw, anong tipo mo?”
“’Yung kagaya ng kuya ko.”
“Si Bucho?”
“Oo. ‘Yung magaling sa lahat ng bagay. Matalino pa. Alam mo bang wala pang nakakapagpatumba kay Kuya sa tae kwon do? Kaya lahat ng nagtangkang manligaw sa akin noon, ang sabi ko kung hindi nila mapapatumba si kuya ay huwag na silang magpapakita sa akin.”
“Kung ganon walang nakapagpatumba kay Bucho?”
“Not really. No one dared to try to take him down.” She had a satisfied smile on her face. “Kahit pala wala si Kuya sa tabi ko, naaalagaan pa rin niya ako, ano? Mabuti na lang at siya ang naging batayan ko ng mga manliligaw.”
“So, you mean to say, kung sino ang makakapagpatumba kay Bucho, magiging boyfriend mo na?”
“Depende.”
“May depende pa?”
“Oo. Depende kung mapapatumba rin niya ako.”
Napailing na lang ito. “Tatanda kang dalaga niyan, Jazzy.”
Napatingin siya rito. Ibig sabihin, gaya rin ito ng mga nagtangkang manligaw sa kanya. Sumuko na agad nang hindi man lang sinusubukan. Pero ano nga ba naman ang inaasahan niya? Hinding-hindi makikipagsapalaran si Waki na mabali ang mga buto nito dahil unang-una, hindi ito lalaban sa kaibigan nito. At pangalawa, at pinakamasaklap, wala naman itong nararamdaman sa kanya. Asa pa siya.
“Jazzy.”
“O.”
“Let’s go out.”
“Mabuti pa nga. Nahihilo na ako rito. Gusto ko ng makalanghap ng hindi artipisyal na hangin.”
“No.” Pinigilan siya nito sa braso. “I mean, let’s go out. On a date.”
“Bakit?”
“Because…I like you.”
Tila nawala lahat ng espiritu ng alak sa kanyang inaagiw na isip. He just told her he likes her. Dapat ay matuwa siya, hindi ba? Dahil iyon naman ang hinihintay niya. Pero bakit parang…parang natakot siyang bigla?
Mabilis siyang lumabas ng bar na iyon nang hindi na isinuot pa ang kanyang sapatos.
“Jazzy!”
Nagpatuloy siya sa paglalakad ng mabilis habang naghihintay ng taxi na masasakyan. Ngunit naabutan siya ni Waki at napigilan siya sa kanyang braso.
“Jazzy, wait.”
“Let me go, Waki.”
“Mag-usap tayo.”
“Saka na. Inaantok na ako.”
Subalit hindi siya nito hinayaang makaalis sa harap nito. “I’m sorry. Hindi dapat kita binigla ng ganon. Hindi ko lang napigilan ang sarili kong sabihin ang nararamdaman ko. Siguro naman, hindi iyon masama.”
“Wala naman akong sinabing masama iyon.”
“Kung ganon, bakit bigla kang umalis? Did I scare you?”
“No.” Mataman lang siya nitong pinagmasdan. “Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Waki. Naiilang ako.”
“Do you like me?”
Kinawayan niya ang paparating na taxi. “Aalis na ako.”
“Jazzy.”
“I’m not scared of anything. Malakas ako at matapang. Pero wala akong gusto sa iyo.”
“Hindi ako naniniwala.”
“Huwag kang mag-alala. Hindi rin ako naniniwalang may gusto ka sa akin. Nagandahan ka lang siguro sa akin nang husto ngayon dahil maayos ang damit ko at may make-up ako.” Itinali niya ang mahaba niyang buhok at pinalis ang lipstick. “Props lang ang lahat ng ito. Bukas, normal na uli ako. Baka nga hindi mo na uli ako tingnan pa kapag nagkita tayo.”
Nagpamaywang ito. “You wanna bet on that?”
Imbes na sagutin ito ay pinara na lang niya ang paparating na taxi. Nang huminto iyon sa harap niya at bubuksan ang pinto ng passenger seat ay naunahan siya ni Waki. He had opened the door for her.
“Salamat.” Pagpasok niya ay hindi agad nito isinara ang pinto.
He had leaned against the door to take a closer look at her. “Ipapakita ko sa iyo na hindi lang dahil sa make-up mo kaya kita nagustuhan. Have a safe trip home.”