CHAPTER 17

1597 Words
“O, ANONG nangyari?” Nagkibit balikat lang si Waki saka ibinalik sa cradle ang cordless phone ni Bucho.  Gaya niya ay nakasalampak sa carpeted floor sina Buwi, Haru, Ryu, Matt, Sage, Makisig, Lian at Drei. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang siyam na canned beer sa gitna ng mga ito at isang shotglass.  “Bakit nga pala nandito kayo?  Anong meron?” “Nagpatawag ng meeting si Bucho,” sagot ni Sage.  “Emergency daw.” “E, bakit dito kayo sa bahay niya?  Doon kayo dapat sa barangay hall.  Istorbo lang kayo sa pag-uusapan namin ni Bucho.  At bakit may mga beer pa kung emergency ang pag-uusapan?” “Gusto namin dito mag-meeting at gusto naming magsama ng beer.  Wala ka ng pakialam dun.” Kanya-kanya ng dampot ang mga ito ng canned beer pagkatapos.  Si Haru ang kumuha sa shot glass at doon isinalin ang inumin nito. Nanggigigil na lang niyang kinamot ang ulo.  “Pambihira naman kayo!  Importante rin ang araw na ito sa akin.  This is a matter of life and death!” “Tamang-tama,” singit ni Haru pagkatapos lagukin ang laman ng shotglass.  “Tutal nandito na rin kami, tutulungan ka na namin kay Jazzy.”  Ibinagsak nito sa harap niya ang ilang piraso ng papel.  “Iyan ang mga impormasyon tungkol kay Jazzy na pinaghirapan naming i-compile ni Bucho.  Ingatan mo iyan.” Tinitigan niya ang mga papel pagkatapos ay ang mga kaibigan s***h kumpadre slas kapitbahay naman niya ang kanyang binalingan.  Napapangiti lang ang mga ito bago nagkanya-kanya ng lagok sa kanilang inumin.  Kung ganon, hindi totoong may meeting na ipinatawag ang kanilang barangay captain.  Inipon ang mga ito roon ni Bucho para tulungan siya.  Napangiti na lang din siya. “Salama—“ “Patingin nga.”  Naunahan siya ni Lian na madampot ang mga iyon.  Adjusting his eyeglasses, tumatango-tango pa ito habang binabasa ang mga nakasulat doon.  “Hmm…uh-huh…hmm…yes…” “Anong sabi?” “You’re not her type.”  Gusto na niyang suntukin si Lian kung nagkataong wala lang aawat sa kanya.  “And she hates showbiz.  In short, basted ka na, kumpadre.” “Katayin kaya kita riyan?” “Hey, I was just telling you the truth.  Hayan, basahin mo.” Binasa niya.  Parang mas lalo pang nangati ang kamao niya na masuntok si Lian dahil totoo ang mga sinabi nito.  Mahina siyang napamura.  Pinagpasa-pasahan ng mga kaibigan niya ang mga papel na iyon at pareho lang lahat ang reaskyon ng mga ito. “Condolence, pare.” “Kung depressed ka, Waki, marami akong kilalang magagaling na psychiatrist.  Anong gusto mo, lalaki o babae?  Matanda o bata?” “Akong bahala sa pagpapalibing sa puso mo,” wika ng bankerong si Ryu.  “Pero dun ka lang dapat sa apartment-type tutal maliit lang naman iyang puso mo. Tsaka kailangan mong mapagka-low profile para hindi ka pag-interesan ng mga magnanakaw sa sementeryo.” “Hoy, Mr. Low Profile, baka gusto mong ikaw ang ipalibing ko ng buhay?” asar na talaga siya.  Lalo na nang magtawanan pa ang mga ito.  “Wala naman kayong mga kwenta.  Magsiuwi na nga lang kayo.  Wala naman kayong maitutulong sa pakikibaka ko.” “Sige, makiki-kambing na lang kami sa iyo,” nakangising biro ni Sage.  “Anong gusto mong flavor?  Vanilla o strawberry?” “Shut up!” “Shut up it is.”  He motioned to strangle the man beside her.  Inilabas nitong bigla ang maliit na notebook sa bulsa ng pantalon nito.  “Hep!  Hindi mo pa ako puwedeng patayin.  May isang buwan ka pang bill sa Sweet Sage na hindi mo pa nababayaran.” “Damn it!” he screamed frustratedly.  “I want to dead!” “Die, pare,” singit ni Drei.  “Mamamatay ka na rin lang naman, mali pa grammar mo.  Hindi ka papapasukin niyan sa langit.” “Poetic error ang tawag diyan,” kontra ni Ryu.  “Kanya-kanyang interpretation base sa kung paano mas mai-e-express ng isang tao ang kanyang damdamin ng mas mahusay.” “Wala akong pakialam.  Mali pa rin ang grammar niya.” “Mali lang interpretation mo.  Kaya ikaw ang hindi papapasukin sa langit.” “Ah, question.”  Nagtaas ng kamay si Buwi, deliberately showing off his biceps at the same time.  “Nagpapapasok ba sa langit ng mga may magagandang katawan?  Gaya ko…at ninyo?” Inihilamos na lang niya sa kanyang mukha ang mga palad niya.  Mamumuti ang buhok niya sa mga kasama niyang ito nang wala sa oras. “Tama na iyan,” singit na ni Bucho na siyagn tanging nakatayo at nakasandal sa tabi ng bintana kung nagsa-sun bathing ang paborito nitong cactus plant.  “Waki, oo o hindi.  Ano ang nararamdaman mo sa para sa kapatid ko?” “Ha?” Tila nahalata naman nito ang kaguluhan sa tanong nito.  Tumikhim ito.  “Ang kong sabihin, mahal mo ba si Kim Jaze?” “Ayokong sagutin iyan.” Tumalim ang tingin nito sa kanya.  That death glare reminded her so much of the woman he had grown to cherished in a matter of days. “Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” nagbabanta na ang boses ni Bucho.  “Magkakabutas-butas ang mukha mo kapag ibinato ko sa iyo ang cactus na ito.” “Umayos ka, Waki,” wika ni Matt.  “Kapag cactus na ni Bucho ang nasali sa usapan, siguradong seryoso na iyan.” “Teka nga.  Ang gugulo nyo kasi.”  Tumayo na rin siya.  “Bucho, ang ibig ko lang namang sabihin, gusto kong sa harap mismo ni Jazzy ko sabihin kung ano ang sagot sa tanong mong iyon.  pero may gusto lang din akong malaman.  Bilang kapatid niya, alam kong meron ka rin kahit paano na nalalaman tungkol sa kanya.” “Go ahead.” “Do you think…may pag-asa pa ako sa kanya?  Lahat ng ayaw niya na sa akin.  But I really like your sister and I think I can make her happy.  Ano ba ang puwede kong gawin para mapalambot ang puso niya?  I know if she could just give me a chance, I can show her I’m the one who was meant for her.” “Naks!” “So deep!” “Wuuu!” Hindi niya pinansin ang patutsada ng mga kaibigan at hinintay lang ang magiging kasagutan ni Bucho.  Subalit tahimik lang nitong dinampot ang maliit na cactus na iyon at inispeksyon. “I need your help, Bucho.  What can I do for her?” Nagkibit lang ito ng balikat.   “Can I suggest something?”  Nagtaas uli ng kamay si Buwi.  “Kidnapin natin si Jazzy tapos sagipin mo siya, Waki.  Magaling ka namang umarte kaya kayang-kaya mong maging superhero sa paningin niya.” “That won’t work,” kontra ni Makisig saka dinampot ang mga papel na pinagpasa-pasahan nila.  “Expert si Jazzy sa ilang forms of martial arts.  Ikaw lang si Haru, Waki, at Bucho lang ang marunong talaga sa martial arts sa atin.  Hindi siya makakayang patumbahin—“ “I won’t hurt her!” kontra agad niya. “O, hayan.  Tatlo na lang—“ “Bawal sa doktrina ko ang pumatol sa babae,” wika ni Buwi.  “Magagalit si Kelly.” “Darn!  Hindi ko rin masasaktan ang kinakapatid ko at siguradong wala rin balak itong si Bucho na makisali sa kalokohan natin.”  Tinapik siya nito sa balikat.  “Ipagdarasal ka na lang namin.”   “We’ll be there with you, kumpadre,” wika ni Haru ang shotglass bago tinungga uli ang laman niyon.  “In spirit.” “Kung hindi magagawa ni Kim Jaze na lumayo sa anino ko, hinding-hindi ka niya matatanggap sa buhay niya, Waki.”  Napatingin silang lahat sa kanilang barangay chairman.  Patuloy pa rin nitong pinagmamasdan ang cactus sa palad nito.   “So what do you want me to do?  Kill you?  Para mawala ka na sa landas namin?” “Cool!” natatawang sigaw ni Matt.  “Ilang ospital na ba ang aabisuhan ko?  Mabibigyan kayo ng discount ng mga iyon dahil kaibigan ko kayo.” Walang pumatol sa sinabi nito.  Nagpatuloy lang si Bucho.  “I said,” wika uli ni Bucho.  “Kung hindi mo ako mapapalitan sa buhay ng kapatid ko, walang paraan para makuha mo ang loob niya.  Court her.  Woo her.” “Pareho lang iyon, ah,” singit ni Lian.  Tinapik niya ang ulo nito para tumahimik. Nagpatuloy lang ang kanilang barangay chairman.  “Gawin mo ang lahat para ma-distract siya at mawala sa krusada niyang maging kagaya ko.” “Gusto niyang maging lalaki?” “Shut up, Sage.” “Shut up it is.” Nagpatuloy uli si Bucho.  This time, wala ng nang-istorbo rito.  Ngunit sa dami ng sinabi nito, parang sumakit ang ulo niya sa paghabol sa bawat salita nito.  Mabuti na lang at nariyan ang master of dictation na si Haru.  Ibinigay nito sa kanya ang mga nakuha nitong notes sa mga sinabi ni Bucho. “Thanks, man.”  Napansin niya ang hawak nitong shotglass na wala ng laman.  “Pang-ilan mo na iyan?” “Pangatlo.”  Isang malakas na ingay na lang ang sumunod nilang narinig nang mapasubsob ito at tumama ang noo sa mesitang kaharap nito.   Alam na nilang tulog na si Haru dahil sa napakahina ng alcohol tolerance nito.  Kaya sa kanya na lang bumaling ang mga kaibigan. “Goodluck, kumpadre.” “Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD